EMBRYONIC DEMISE
sino po dito nakaexperience ng ganito mga momsh.. no heartbeat at 6 weeks.. with subchorionic hemorrage sabi daw ng ob nya abnormal din daw ung baby nya.. di healthy.. naka 2 tvs sya.. sa magkaibang ob same result ng tvs nya.. any advice? o may nakaexperience ba ng ganito pero natuloy ang pagbubuntis? HELPING A FRIEND... please sa mga naka experience po..


5weeks 1st check up ko, wala parin heartbeat si baby after 2weeks pinabalik ako and luckily may heartbeat na sya at 7weeks. π₯° Momsh, panong abnormal daw po? Parang too early pa para makita na may abnormalities ang baby. Ako kasi before, 12weeks ako that time may sinabi ang ob ko na parang may problem daw sa head ang baby ko, sonologist kasi sya kaya lahat ng body part ng baby talagang tinitingnan nya pero that time hindi nya ginawan ng report. Umiiyak ako nung umuwi kami sa bahay dahil sa sinabi ng ob ko. Natakot din ang byenan kaya nag pa 2nd opinion kami sa ibang ob, nung pag check up sakin ok naman daw healthy daw si baby kasi malikot sya sa loob ng tummy ko. Hinahanapan kami ng report/findings sabi ko wala pong binigay. Sabi nya βoh, hindi nya nga ginawan ng report ibig sabihin di pa sya sure sa nakita nya. Pray langβ kaya ayun lumakas ang loob ko pray lang ako everyday na sana normal at healthy ang baby ko. 24weeks ako nag request ob ko na mag pa Congenital Anomaly Scan daw ako para makita kung may abnormalities nga daw. Sa awa naman ng dyos walang nakitang birth defects sa baby ko. Pero di pa sya lumalabas ngayon. Mag 7months palang ako. Praying parin ako everyday na normal at healthy sya. πππ Pakisabi sa friend mo na think positive lang at always pray. ππ»ππ»ππ»
Magbasa pa

