relationship l

Hi sino po dito nagkaasawa ng balo with 1 baby boy/ girl? Anu po status niyo and share niyo naman po pano naging okay sa side ng unang asawa niya ung relationship niyo. Im 24 yr old ung Lip ko 33 yrs old balo siya and may baby boy siya since matagal na din kami magkakilala mga 4yrs na po nakilala ko din ung unang asawa niya naging magkaibigan din po kami nun at love na love talaga ng Lip ko. Yung baby nila naging malapit sakin halos tinurig ko na anak at sobrang lapit sakin nung baby. May bf ako nung time na un at magkaibigan sila. Hanggang sa nagkahiwalay kmi ng bf ko niligawan niya ako. Pero tinanung ko naman siya kung naka move on na ba siya sa past niya kasi namatay asawa niya dahil sa pagkapanganak kya napakasakit talaga nun. Pinagisipan ko naman din kung papapasukin ko siya sa buhay ko at napamahal na din po kasi ako skanya kaya talagang sinagot ko siya tinanggap ko siya at ung baby niya ng buong buo. Pero di ako gusto ng nanay at mga kapatid niya. Tapos ndi pa alam ng side sa unang asawa niya na may gf siya hanggang sa ng ka baby kami naging secret ung relationship namim at ung baby. Minsan naisip ko kabet ako at kinakahiya niya kami ng baby ko. Pero ang sinasabi niya naman na konting panahon lang dahil dami pa siya utang at kailangan ng baby niya makuha sa side ng unang asawa niya ung mga needs at dapat ibigay ng side ng unang asawa niya. Like ( pangangailangan ng bata , makasama nila , makuha niya ung para sakanya at mabigyan din kahit papano ng money .kasi unang apo ) syempreh ako naman po mabait sa Lip ko inunawa ko naman po at ayoko naman po ipagkait ung pamilya niya sa nanay niya napaka evil stepmom ko namn kung diko ibgay un sa baby niya. Fast forward habang lumalaki baby ko na fefeel ko na di nila kaya ipagmalaki ng byenan kong hilaw ung baby ko kasi nahihiya sila sa side nung unang asawa ng Lip ko. Napakasakit po. Pati ung pag post niya sa fb kahit isa ndi niya maipost kasi makikita ng side ng una niyang asawa. Pero sabi niya this december sasabhn niya na ung about samin. Sana nga po. Hinahayaan ko lang siya pano niya aayusin. Hindi po kami magkasama nakatira kami ng baby ko sa parents ko. Then ung Lip ko at baby niya andun sila nakatira sa nanay niya. Minsan umuuwi sila sa side ng unang asawa niya pag weekend. Tapos padalaw dalaw lang dito si Lip pero late na kung pumunta. Hindi niya rin sinasbi plans niya para samin bigla bigla na lang niya sinasabi pag paparating na. Kaya pinagppray ko na sana maging maayos na kami at magkasama sama. :( In jesus name. Thanks po sa nakaintindi at respeto po. Gusto ko lang po ishare at mailabas kung anu nasa saloobin ko po

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung niligawan ka niya dapat alam na niya yung mga consequences na need niya iface and eventually ifaface niyo. For me, mommy i find it very unfair sa side mo and ng baby mo. Napakaselfish niyang lalaki na yan. Sarili lang niya and kahihiyan nila iniisip niya. Paano kayo ng baby mo? Kung tutuusin di naman kabit yung labas mo since widowed na siya. Yes, ikinakahiya niya yung ginawa niyang pakikopagrelasyon sayo. I hope hindi ka forever magtitiis dyan sa lalako na yan. Bigyan mo na ng ultimatum. Di niyo deserce ng baby mo yan. Kung ako tatanungin mas okay pa sakin yung maging single mother kesa ganyan yung ginagawa samin ng baby ko. Sorry but sana makita mo yung worth mo bilang babae and bilang mommy ng anak mo. Hindi niyo deserve yan. Nakakagalit yung lalaki ๐Ÿ˜‘ yan siguro yung mga tinatawag na masahol pa sa walang balls. ๐Ÿ˜ก Anyway, praying for you and your baby.

Magbasa pa
6y ago

Oo nga mamsh thanks for the advice. Lalo na sobrang papansin ung hipag niya na before kaibigan ko ngayom di na kami sobrang close dahil againts na siya ngayom samin. Akala mo sobrang concern sa unang asawa na wala daw kapalit. Akla mo naman kung sinong kamag anak di nga niya inaalagaan ung unang baby ng lip ko naniingit pa. Kahit minsan di nga siya dumalaw sa puntod tapos maka post sa fb na namimiss niya at ndi daw siya ipagpapalita. Meaning ayaw niya magkaron ng bagong pamilya lip ko gusto nila mukhang kawawa ung lip ko at ung baby niya nakakaasar. Hahaha