advice naman po pls. :(

May Lip ako pero bago naging kami may asawa siya sa una. Ang tagal nila almost 8yrs hanggang sa nagka anak sila at kinasal pero nung nanganak after 10 days namatay. Sobrang mahal na mahal niya ung unang asawa niya. After 3yrs naging kami. Tinanggap ko siya at ang baby niya. Pero bakit po ganun sinisave niya padin picture nila nung asawa niya na namatay, okay lng ba un kasi namimiss or gusto ipakita sa anak. Or ndi pa talaga siya fully move on? Pa advice naman po please nakakaiyak di ko po alam gagawin ko kung aawayin ko ba siya or tatahimik na lang ako :(

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap yung pinagdaanan nya. Kaya kung nagkkeep pa din sya ng pictures ng late wife nya, sana maintindihan mo na hindi ganun kadali mag move on sa ganung sitwasyon. Now since you entered his life, sana nagready ka ng mga ganung scenario. Huwag mo syang aawayin. Kubg ikaw ang nasa kalagayan nya alam kong ganyan ang mararamdaman mo. Normal lang naman na magselos pero huwag naman sana sa pumanaw na. If it still bothers you na ganun yung ginagawa nya, tell him kung anu yung nararamdaman mo pero wag mong aawayin. Now kung ikaw kaya mong lumayo para lang hindi ka masaktan sa nakikita mo, do so. Huwag mo pahirapan sarili mo. Give yourself space. Pero if you truly love and understand the guy, then let him move on and show him that you're there by his side.

Magbasa pa

normal lang na isave ung pic ng asawa nya. at ndi ganun kadali mkalimot lalo na sa ganung way namatay ung asawa nya. need mo intindihin un mommy. d mo need pagselosan ang patay. u should be the one to understand him. i have a cousin namatay din asawa nya dhil sa binat after manganak. at ngaun mei asawa na sya at mei anak nrin sila. nagppost prin cousin ko ng pic sa fb kpag dinadalaw nila sa cemetery ksama asawa. at tintwag prin Mommy ung dting asawa nya at endearment nila. at ok lang un sa asawa nya ngaun. wlang msama at ndi mo need awayin ikaw mgging masama pag ginawa mo un. imbis na anjan ka pra sknya at sa anak nya. kc in the long run family kayo.

Magbasa pa

Sis. Hindi naman ganun kadali yung nangyari sakanya. I understand na masakit. Pero yung pinagseselosan mo wala naman na. Mahal parin nya yun for sure pero hindi naman impossible na mahal ka din nya. Cguro isipin mo nlng kung ikaw yung nasa kalagayan ng asawa mo ganun. Hindi ko sinasabi na Mali yung nararamdaman mo. May point yung masaktan ka pero bigger picture memory lang yun hindi naman babalik yun para agawin ang asawa mo. Hindi mo makukuha yung nakaraan nya sakanila yun eh. Parang ikaw meron ka din naman cguro sarili mong nakaraan diba. Pasensya nalang cguro momsh

Magbasa pa

Intindihin niyo nalang, po. Sobrang sensitive ng topic na ‘yan. I hope na kausapin mo siya ng maayos tungkol diyan. I’m sure na sobrang nasaktan ‘yong lip mo sa nangyari. Let him mourn muna, momsh. Atsaka wala na ‘yong tao para pagselosan pa at may anak din sila. Siguro, kinekeep niya lang ‘yong picture para makita ng anak nila ‘yong mother ng bata. Kailangan mo siyang intindihin. Eventually, mag momove on din ‘yong tao. Huwag mo lang madaliin kasi may batang involved.

Magbasa pa

Sis hndi ganun kadali nangyari sakanya. In the first place alam mong namatayan sya at alam mong may anak sya. Hndi mo maaalis un sakanya kung sobrang namimiss nya Prin asawa nya. Hayaan mo lang po sya munang magmourn. It will heal in time. Or kaya bumuo din kayo ng baby nyo ding sarili. Pag-usapan nyo without arguing.

Magbasa pa
5y ago

Inintindi mo na pala sya bakit nagrereklamo ka pa. Ibig sabihin d mo sya naintindihan sarili mo lng naintindihan mo.

Normal lang na esave niya ung picture para sa anak niya un, at hinde ganun kadali makalimot kaya intindihen mo nalang kung mahal mo talaga siya. At kung hinde mo kaya bakit hinde mo nalang iwanan at humanap ka ng lalaki ng walang anak at past para sa ganun wala kang alalahanin.

Mahal niya pa rin yun kasi biglang nawala. Masakit yun... Intindihin mo na lang po. Iba po kasi yung heartache pag namimiss mo yung tao na wala na. 8 years naging sila, isipin mo na lang yun... Mahirap makamove on lag ga un

sabi ng hubby ko baka daw na mimiss at para din maipa-kita sa anak yung picture kc kung dun sa "hnd pa fully move on" bkt ka pa nya ina-sawa kung hnd pa pala move on at handa na ulit?.. yun ang opinyon ng hubby ko..

Ehh pero kasi nagsasave po siya ng pic nila at nung unang asawa niya. Okay lang po sis gsto ko din po na maintindihan baka kasi sa kakaisip ko ndi ko na maisip kung anu nararamdaman niya

5y ago

Sige po salamat mamsh.

VIP Member

Makakamove on din yan. Need lang ng time yan, masakit kasi yung nangyare sa kanya. Intindihin mo muna sya.