33weeks and 5 days
Sino po dito nag open na agad ang cervix ng walang nararamdaman aside po sa pag papatingin at pag papaturok ng pampalakas ng lungs ni baby anu pa po ginagawa nyo na hold po ba si baby sa tyan ng ilang weeks? 4-5cm na po ako pero need pa po umabot ng 37 weeks to full term po sana. Any suggestion or advice mapapaclose or mapapastop ang pag open ng cervix thanks

Ako nag open cervix ko ng 3cm at 27 weeks. Wala akong naramdaman na kahit ano. Nakita lang sa ultrasound. Diretso ER na ako at tinawagan nila OB ko. I was admitted and I was given dexa (pampamature ng lungs ni baby) at na cerclage rin ako. I was put on strict and complete bedrest pagka discharge ko. As in walang tayuan. Sa bedpan ako nag ccr, naka wheelchair kapag check-up, doon din ako naliligo sa pwesto kong higaan at uupo lang ako kapag kakain at iinom. Maliban sa mga prenatal vitamins, naka progesterone ako (2 soft gels 3x a day, intravaginal) and isoxsuprine (pampakalma ng matres) from 27 weeks until now. 37 weeks na ako ngayon at may schedule na rin ng CS. Sa last BPS ko, okay naman si LO sa loob at super active nya. Weekly rin ang check-up ko kasi minomonitor ako ng OB ko. From week 8 until now, naka bedrest ako at nag file ako ng leave of absence sa work since high risk ang pregnancy ko.
Magbasa pa