Single kuno si Guy

Sino po dito may experience sa guy na buong akala mo ay single dahil sa lahat ng ID, requirements at marital status na sinubmit sa workplace ay single? Sobrang sakit na matuklasan na matagal na pala siyang kasal. Hindi lang nag-update sa mga government benefits at hindi lang nagsabi ng totoo sa company dahil hindi naman hinihingi ang marriage contract sa company kung magsabi ka na single ka. Hihingiin lang kung nagsabi kang married ka. Wala rin suot na wedding ring. Ang sabi lang may ex siya. Unti-unti mo nalaman na may kinakasama siya, ang sabi hiwalay na sila at ex na. Yun pala magkasama pa rin sila. Worse, nabuntis ka niya. Months after malalaman mo, kasal pala siya sa sinasabi niyang ex at hindi pa pala ex. πŸ’” What to do?

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bakit ba may mga lalaking ganto, sarap itali ang leeg at ibitin. If sa una pa lang nagsinungaling na sya for sure po mauulit pa po yang pagsisinungaling na yan. Sorry mamsh pero pllss iwan mo na po. Kasi baka mapahamak ka pa baka makasuhan ka na hindi mo alam. Kahit na sabihin po na hindi mo alam na kasal sya. Habulin mo po sa sustento na lang. Oo mahal mo po ikaw mahal ka po ba? Kasi kung mahal ka nyan hindi po magsisinungaling yan at di ka lolokohin at gagawin kang kabit na hindi mo alam.

Magbasa pa