PAMAHIIN

Sino po dito ang natry nang magpagupit ng buhok while pregnant? May pamahiin po kasi na sinabi sa akin na bawal magpagupit ang buntis (something connected to the baby daw po kasi. maaga manganganak etc.). Nahihirapan po kasi ko madecide if susunod ako or not. Mahaba na kasi super ang hair ko at nagfafalling hair na din. Btw, I'm 4 months pregnant :)

110 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wla nman pong effect or connection sa pagbubuntis ang pagpapagupit po. Ako ngpagupit ako before manganak pra hndi hassle ang mahabang buhok pag my baby na.

Ako nagpagupit ako kahit hanggang balikat lang buhok ko kc subrang init na init ako 😂😂 6month pa tiyan ko nong nagpa gupit ako..now 7months na ☺

Ako nagpagupit po ako nung 3 months palang tyan ko. 35 weeks nako ngayon. Ang bawal lang naman daw mga color or treatment na gagamit ng chemicals

VIP Member

Hindi po totoo yan momsh. Yan din sabi nila sa akin pero nagpagupit ako.. Wala namang nangyring kakaiba sa akin sa pagbubuntis at panganganak ko.

Nagpagupit ako momsh from very long hair to very short hair. hehehehe... first time ko magpagupit ng maiksi nun pero ok na ok nman c baby ko.

Ako 7 months tummy ko nagpagupit ng hair ako sa awa ng dyos 36 weeks na tyan ko at ok lang Naman si baby hinintay na lng Ang paglabas nya.

Ako nagpagupit ako 5months preggy ako. Inadvise kasi ng biyenan ko na magpagupit ako kasi mainit at mas lalong mainit kapag buntis ka.

Myth . 7months preggy ako nung nagpagupit ako . Walang kinalamn ang pag papagupit sa pag bubuntis . Nanganak ako 39 weeks 2days .

Ako, 3 months pregnant ako nung nagpagupit. Ang init kasi eh hehe. Ok naman kami ni baby, ika anim na buwan na niya sa tiyan ko

Ako.momsh nagpagupit nung 7 months eh malapit na nga due date ko closed cervix pa hahaha sana totoo yng pamahiin na yan😂