Pretending to be pregnant
Sino po dito ang nakaencounter na sa pseudocyesis? May friend kasi ako na nakakaawa ang pinagdadaanan. May pamilya na ang jowa niya nung naging sila, in short kabit siya. Nung nameet niya ang legal wife, nakipaghiwalay siya sa guy, nagparaya siya. Pero hindi niya kinaya magletgo, kinabukasan niyaya niya si guy magsogo, at dun daw siya "nabuntis". A week after, sinabi niya na sa guy na "buntis" daw siya at confirmed na. Lumakas daw ang pang amoy etc etc. Nagsend pa ng pic ng PT na positive pero hindi kanya yun. Until recently supposedly malaki na dapat ang tiyan but nakita siya ng guy and ng legal wife somewhere at nakitang bilbil lang or hindi mukhang buntis ang friend ko. Pero feel na feel niyang buntis siya. May ganun po ba? Sa sobrang pagpapanggap na buntis para piliin siya ng guy ay mararamdaman mong parang buntis ka rin? Nakakalungkot.