College din ako nung nabuntis, same din po sanay ako ng may income kahit nag aaral.. Nung nabuntis ako, di ako nakapagtuloy kasi bawal sa educ ang buntis, nung makapag give birth nako nagtuloy ulit ako sa pag aaral.. Pero kaibahan natin sis ay di ko na need humingi ng pera sa boyfriend kahit nung buntis ako, kasi alam nyang dapat talaga sya magbigay kasi responsibility na nyang gastusan ang check ups, gamot at mga gamit na need namin ni baby..
Nung nag aral na ako, sya na nagpa aral sakin. Kargo nya na ako sa lahat, at kinuha na din nya ako samin.. Kaya wala kami naging prob financially, at di din ako nahiya sa parents ko dahil di nagkulang ang bf ko sa pag support sakin mula buntis gang ngayong pangalawang anak na namin..
Btw, graduate na din po ako. Preggy sa pangalawa.. 2015 po nung nabuntis nya ako, 2018 ako graduate, nagpakasal at nakapasa sa board.
Wag sumuko sis, wag din mahiya humingi sa bf, dahil responsibility na nya kayo ng baby mo.. Wag isuko ang pag aaral, dahil para sa inyo din yan ng pamilyang bubuuin mo. God bless you sis ❤️
Austria Eugene Dalle