college student and pregnancy (long post)
Sino po dito ang nagaaral pa sa kolehiyo at nabuntis? I'm a working student pero nag resign ako dahil fastfood chain ang field ng work. Nakakapraning dahil minsan nagkakasabay ang check up at examination day. At isa pa, nahihiya na ako humingi ng baon, tuition and misc. fees sa magulang ko. Although support parin nila pagaaral ko at 24 yrs old na ako. Pero bago niyo ko husgahan sa pagbubuntis ko while being a student.. Hirap kami dati paaralin ng father ko kasi 2 kaming college (ako=panganay, at kapatid ko=2nd). So nag decide ako mag stop at mag work at umabot ng 4years.... kapatid ko nagtuloy tuloy at graduate na last year. Kaya ngayon ako naman ang nag patuloy sa pag aaral. Nagresign ako sa trabaho ko kahit regular na kasi gusto ko talaga makapagtapos. And Nakita ko na may offer ang AMA Computer College ng 30k tuition for 1year at sakto ang class sched dahil 3 or 2 times a week ka lang papasok. So grinab ko yun at nag working student ako which is sa fastfood chain na(jollibee). Pero nitong october nabuntis ako. Kaya pala sobrang pagod at wala akong gana sa work man or sa school. Btw (7yrs na pala kami ng boyfriend ko®ular na rin siya sa work nya). Kaso ang problema ko ngayon since nagresign ako sa work ko at nagpatuloy parin sa pag aaral ang kinakaistressan ko naman ay yung gastusin. Nahihiya na akong tumira dito sa bahay ng parents ko. Dahik nasanay kasi ako na may naiaabot na pera kahit konti sa knila kapalit ng pagaaral ko at pero ngayon wala na talaga at nabuntis pa ako. Yung boyfriend ko naman nahihiya rin akong manghingi dahil since naging kami, palaging hati kami sa bills tuwing naggagala or date. Dahil no choice ako at walang income. Napapraning na ako sa bahay. Pakiramdam ko wala akong silbi. Dahil nga konting araw lang naman at oras ang nilalagi ko sa school madalas sa bahay ako tiga-lahat(saing,luto,linis,laba,at paligo ng mga aso) Gustong gusto ko na magkaroon ng sariling incomeeeee... Ang hirap maging studyante at buntis. Minsan gusto na lang din ulit huminto sa pagaaral... Kayo ganito din ba kayo? Student and preggy?