first time preggy

Sino po ba nakaranas nang ganito while preggy? First time ko po kase. Medyo mahapdi po siya..lalo po pagnababasa sa ligo or pawis.

first time preggy
23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, napakainit kasi ng panahon 😓Tingin ko sa init 'yan. Please keep your underboobs dry! As in 'pag pinawisan, punasan niyo po ng bimpo. Dahan-dahan lang din po pagpupunas ha, kasi mukhang nagsusugat na! Kapag naligo po kayo ganon din, make sure na matutuyo ng mabuti ng towel ang area na 'yan. Otherwise pagpupugaran po ng bacteria/fungal infection 'yan kasi moist environment siya. Hindi ko po alam honestly ang ipapayong ipahid diyan kasi hindi po ako doktor o derma ( hindi ako pwedeng mag-prescribe ng gamot or cream). Pero naalala ko 'nung baby pa 'yung kapatid ko nagkaganyan ako sa underboob din, may diaper rash cream siya ginamit ko gumaling naman. Vandol yata ang name, hindi ko alam kung available pa siya pero it might be worth a try (at your own risk🤷). Huwag na huwag niyo pong kakamutin. Try niyo rin pong huwag na muna mag bra lalo na kung sa bahay lang naman. Kumbaga ang approach dyan is keep the skin as dry and clean as possible hanggang gumaling 'yung sugat.

Magbasa pa