VITAMINS

Hi! Sino po ba dito nakaka skip na ng pagtake Vitamins? 😖 Ako nung first to 2nf trimester everyday.. ngayong 8 months, nasusuka at nahihilo ako pag magtake ng vitamins Calcium, ferrous, at Obimin. kaya na-skip ko nxt day na naman inom.. hindi nakokompleto.. 😥

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sobrang importante ng vitamins lalo na para sa baby, para maging strong sya. Napatunayan ko yan nung nanganak ako at inabot ng isang araw ang labor, yung kasabayan ko namatay ang baby dahil mahina na ang heart beat dahil nung buntis sya simulat simula wala syang ininom na vitamins. Hindi na kinaya ng baby yung tagal ng labor kaya namatay na sya habang nasa loob hindi pa naiilabas. Then ako panay check nila sa hb ni baby ko kasi kasabay ko lang din sya tagal ko na din nagla-labor pero sabi ng OB sobrang healthy ng baby mo, lakas pa din ng heartbeat. Sinabi nya sakin, umiinom ka ng vitamins ? Sabi ko marami po nireseta sakin yung isang OB ko lahat yun ininom ko, kahit yung iba talagang nakakasuka. Iniisip ko para sa baby ko yun.

Magbasa pa