Sino ba ang dapat i-update ni "other woman"?
Sino po ba ang dapat i-update ni "other woman" na kapapanganak lang bukod kay partner? Pwede rin po bang ako nalang? Kasi ang problem po namin sakaniya, masyado pong makapal ang mukha niya na pati po kapatid ni partner ginugulo niya porket po nabigyan siya noon na clearly sinabi sakaniyang una't huling bigay na 'yun. Ang gusto po sana namin huwag na niyang guluhin ang mga kapatid ni partner. Pati nga po si mama (ni partner) bastos niya kinausap. Sa ate lang ni partner siya talagang nangungulit eh kaso sa'min nagagalit dahil akala po ata hindi namin kinakausap ng maayos. Labas naman na po talaga kasi dapat sila ate doon. Problema na ho namin itong mag partner. Sa totoo lang, willing po akong kausapin siya. Maayos ako makipag usap pero dahil bastos siya at pilosopo kay partner or sa'kin (baliktad 'no? ako pa ang pinagmamataasan ng "other woman") hindi na po namin siya kinakausap. I mean, hindi po kami 'yung unang nagchachat or nangangamusta. Ano po ba ang pwede kong gawin? I need your advice mga ka-nanay. Maraming salamat! #advicepls #theasianparentph