βœ•

21 Replies

Gnyan din baby ko nto lng, worry nga rin ako psero ung nagtanung kme sa center bka dw over feed kaya gnun syka mainam dw nalumabas ung gatas kesa daw hindi. My halak din sya at prang my sipon at plema din pero d nman sya inuubo bka sa lamig lng din dw to. Kya ngaun control ko at inaawat ko sya sa pag dede bottle kc sya ngaun hndi bf, bawat feed din nya tinatayo ko agad sya para mag burf. Aun nman ok na kaso after nuon gutom prin sya kya ang ginagawa ko ihehele ko at di ko muna sya ilalapag kc dedede nnman sya. Nsaatin nman ung control pag feed sa knila ntakot kc ko nung lumungad sya as ing sobtng dami nyang isinuka di na nga halos sya mkahinga buti nlng tlaga

Pag ebf walang overfeeding pero since sa ganyan age pwedeng growth spurt yan..try mo search ano ang growth spurt. Yung lumabas na gatas sa ilong naman mamsh baka mali ang position nyo paano ba kayo mag position..nagkaganyan nadin baby ko noon pero kase mali position namen...nagpapadede ako ng sidelying pero mali and nakatulugan ko sya sa sobrang pagod nag overfeed na pala sya may growth spurt kase sya nun kaya ayun kasama pati ilong....yung pag tulog naman sa baby hndi lahat kailangan mahaba since baby pa....again baka nga kase growth spurt. Try mo din search ang cluster feeding and witching hour

Growth spurt nga mamsh, base kase sa article na nabasa ko kapag nag ggrowth spurt si Baby laging busog or uhaw si Mommy which is ganun nangyayare saken di kase ako masyado nainom ng tubig pero ngayon lagi akong uhaw at gutom

Baby ko po ganyan, kapag lunungad sa ilong at bibig po lumalabas. Sabi ng pedia nya, 3 pedias na napagtanungan ko, normal lang daw. Patagilid lang si baby kapag lumungad. EBF din ako and nagbuburp sya after everu feeding. Yung halak naman, normal din daw kasi sa milk lang, clear naman kasi palagi lungs nya. If may fever daw or uncomfortable si baby saka pacheck. Pero dahilay sipon ang baby mo, you need to consult your pedia just to make sure everything is fine.

Tyagain mo po muna ng cradle position kapag nagbebreastfeed ka. Wag po muna sidelying. Kase nkakatakot kapag nakatulog ka. Isang cause yan ng SIDS. Kapag sa gabi magpabantay ka po sa asawa or kung sino ksama mo sa bahay kapag nagpapabreastfeed para kung makatulog ka man meron gigising sayo. Tyagain mo po hanggang 2 or 3months, sa ganong months kaya nya na buhatin ang ulo nya para ilayo sa boobs mo. Kaya narin nya igalaw ang kamay nya para ilayo ang boobs mo

Naexperience ko na yan mumsh, natakot din ako pero normal naman un basta itaas mo lang sya after mong ipadede at burp. I mean wag totally nakahiga sya.. Medyo nakaangat po dpat ung higaan nia prang tau mga adults dba dpay medyo mataas ung ulo natin pero make sure align pati likod nia...

Lumulungad ang baby after dumede ksi nga po d pa totally nakakapag adjust ang kanilang digestive system.. Bili k ng pang sispsip ng Sipon Nasal Aspirator po tawag dun Tapos pag hihiga si baby dapat nakatagilid sa left side😊😊 make sure na buburp po sya 20-30 min. Bago ihigaπŸ˜‰

VIP Member

Baka over feeding mamsh. Burp mo then kalong lang kahit 30 mins bago sya ihiga ng naka elevate ang ulo. Sa sipon naman po may nasal aspirator para masipsip yung ilong nyang barado. Natural lang mag worry mommy. Matututunan mo rin yan. πŸ™‚

Mummy try mo panoorin mga videos ni dr. Willy ong sa youtube.may mga tips sya sa mga halak, lungad, etc ng baby.. para lang may konting idea. Pero better parin pa check mk na sa dr. 😊😊

Ganyan dn baby ko. . Nglulungad dn xia at may lumalabas sa ilong. Ntatakot na nga dn ako baka kung anung mangyari. . Hnd amn ako bf. Kse ayaw na nia sa dede ko nasanay na xia sa bote. .

Make sure po kada bf e napapa burp nyo si baby. Importante po yun sa baby.. Bili ka po ng pang sipsip sa sipon, pwede din po ask nyo ob para sure ka..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles