sino dto nanganak na cs kumusta kau after giving birth?

sino dto nanganak na cs kumusta kau after giving birth...me 3days cs sakit parin ng tahi ko although naka lakad2 na ako pero sakit pag babangon ka uupo at tatau... kau musta yung experience niyo..

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Masakit talaga yan sis lalo kung bago pa pero try to move as much as you can na hindi mappwersa yung area ng tahi mo. May binder ka naman so kahit papano makakaabsorb yun ng pressure ng movements mo. May tendency na magsulk yung posture mo pero subukan mo sis na dumerecho kahit masakit, mas masakit kasi yung naghheal ka na parang yuko kasi pag natuyo sugat mo na nakaganun tapos tumayo ka, ramdam mo nagsstretch yung sugat, muscles at laman mo.

Magbasa pa
VIP Member

Normal lang po yan mamsh. Sobrang sakit pa po talaga nyan. Pero unti unti tang mawawala kapag may tinetake na kayo na antibiotic. Wag niyo lang din po pwersahin yung para lalong di masakit. Make sure din po na laging may nakaalalay sa inyo tuwing tatayo or hihiga o di kaya mag ccr. Tsaka lagi niyo lang suot binder pang support sa sugat. Sakin po 1 month medyo okay na. Di na ako nagsusuot ng binder tsaka nakakabyahe na ako

Magbasa pa
VIP Member

Hi momsh! Ako 2x na CS... Msakit pa talaga yan kasi bago pa. By this time dapat meron pang nakalagay na Tegaderm (medical dressing) to protect yung mismong tahi. Then kapag babangon, uupo, lalakad dapat may binder ka to support. Make sure din na si baby lang ang bubuhatin mu 😊

ganyan din po feeling ko dati pag babangon ako patagilid tapos dahan dahan pero bago mag 1 week hindi na masakit ang gawin mo po lagyan mo ng lampin yung part na may tahi bago mo lagyan ng binder tapos higpitan mo ng maigi para di mo maramdaman yung sakit kada maglalakad ka.

VIP Member

Masakit po talaga at medyo nakakakaba na lumakad at bumangon. Big help po for me yung abdominal binder momsh. Found this article on our website, I hope makatulong din 😉 https://ph.theasianparent.com/need-know-c-section-recovery-care-tips

Magbasa pa

Ok na po ako 2wks pa lang naka byahe2 na ako..uncomfortable nga lang nararamdaman ko nung una..d madali ma cs kaya salute sa mga cs mom..thank you sa inyo...

talagang ganyan sis. ako emergency cs ako mag 2months na sa may 6. pero until now makati pa din yung peklat ko pero hndi na masakit.

Hi. Masakit talaga pero need gumalaw para kay baby. Suot ka po binder madali maka heal, dahan dahan sa paggalaw. Wag pabigla bigla.

Pilitin nyo po maglakad lakad para maayks mga organs saka yung sakit po mawswala yan after 4 days heehehe

ako nacs nung feb. ok naman kami ni baby. parehas healthy. 😉