11 Replies

July 18-19 edd ko, kada napapagod ako parang namamanhid na yung pelvic floor ko parang tumitibok yung pinag lalabasan ng baby. maselan ako mag buntis bedrest ako ng 32-35 weeks but still sige kilos ingat na ingat lang stress ako pag makalat paligid since may toddler ako 😂 dipa ko nag sstart mag lakad ng 37 weeks since alam kong anytime soon na nag patagtag ako baka manganak nako right away dipa ako tapos mag nesting. pero grabe back pain ko at hot flushes di rin ako manas kasi kilos ako ng kilos although hilig ko sa matamis pinag papawisan naman me araw araw plus malakas ako umino. ng water. discomfort lang matulog at position na umupo since mababa na tyan ko hirap ako umupo mapa indian seat o sa monoblock kasi ang baba na ng tyan ko sa higa din masakit pag nakatihaya ako ng matagal. madalas rin na manigas tyan ko tsaka pag gumagalaw ansakit sa ribs at napapa wiwi ako sa undies ko pag nasisipa ng baby yung pantog ko. yung discharge ko watery na medyo amoy dugo hinahayaan ko lang kasi malapit na rin ako manganak sign na daw yun na nearly labor nako.

july 10 edd ko pero 2cm na ako ngayon mga mii simula kanina madaling araw sumasakit na balakang at tyan ko sabi ng ob ko baka bukas manganaganak nako sa ngayon kailangan ko bantayan nararamdaman ko goodluck saatin mga mii 😊

EDD jul 16. Pero last ultrasound, until jul 10 daw sbe ng OB. No sign of labor pdin ako. 38w 1d nko now, ssimulan ko na maglakad lakad at taas baba sa hagdan

july 21 edd , 36 weeks and 4 days open na cervix ko kaya pinainom nila ako ng pampakapit para umabot ako ng 37 weeks .

36 weeks and 5 days.... hirap n din kumilos . at sa pag lakad.... masakit na rin balakang...

July 07 EDD, 38 weeks and 5 days sakit pa lang ng balakang, pero I'm not worrying pag-pray lang na safe lagi si baby

ako july 17 pa mga momies pag kagabe hirap maka tulog din, naninigas ang tyan pero wla nararamdan sakit ng balakang pa

same here po.. no signs of labor.. lets keep praying mga momshie for safe delivery🙏🏻☺️..

edd july 9. may mucus plug na lumabas na sakin pero upon IE close cervix pa daw😔

july 10 din ako. hirap na makatulog tsaka masakit na lagi balakang.😭

Same po tayo n 1 cm din po ako at gusto ko n din mkaraos

July 15-24 edd grabe pananakit ng puson balakang hirap na makatayo

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles