PAANO MAG PATAWAD?

Single parent ako (25) since nung nalaman kong buntis ako hanggang sa nanganak ako. Hindi kami okay nung tatay ng anak ko (26) sa maraming dahilan. Akin yung apelyido ng anak ko, at hindi na niya kami nakita simula nung nakaalis kami sa hospital. Wala rin naman ako hinihingi na kahit anong gamit o pera kasi kaya ko mag provide. In short, pinabayaan niya ko magisa kaya kakayanin ko tong magisa. Kung nakaya ko yung pagbubuntis, ano pa ngayong nakaraos na. (Strong independent woman who doesn't need a man, ganern!) GUSTO KO LANG MALAMAN PAANO KO SIYA MAPAPATAWAD PARA SA SARILI KONG PEACE OF MIND? Ayaw ko lang ng may mabigat na nararamdaman. Gusto kong mag focus sa future namin ni baby. Alam ko at alam niya yung mga kamalian niya. Hindi na maaayos. Gusto ko lang maka move forward ng wala akong galit na nararamdaman sakanya. Share naman po kayo kung naranasan niyo na to. Kung gaano po katagal bago niyo napatawad? Nagco-parenting ba kayo? Nagkabalikan? Wala po akong mapagtanungan na iba. Sana may matutunan po ako sa karanasan niyo dito mga mamsh. Payakap ❀️❀️

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Forgive yourself by not forgiving him before. Doon mo masisimulan yun Mommy, and after, acceptance, acceptance sa fact na nagkamali ka ng taong pinagkatiwalaan para maka buo ng pamilya. Naniniwala kasi ako na in order to have peace, you must first forgive the person na naging dahilan ng pagkaganyan mo. 😊

Magbasa pa
4y ago

You're welcome po 😊