gusto ko na bumukod.

may mali po ba sa ginagawa ko? gusto ko lang naman po matuto anak kong kumain magisa, magbihis ng panty at short mag isa. hindi lagi magtablet kasi lahat po ng ginagawa ko kinokontra nila. 4 years old na po anak ko masyado po ata nila na spoiled kada papagalitan ko umiiyak kahit wala naman akong ginagawa kaya minsan sakin sila nagagalit. nakikitira lang po kasi kami sa tita at tito ko. gusto ko na po umalis dito pero ayaw naman nila. eh lagi naman ako nabubungangaan gusto ko na bumukod para makakilos ako ng walang bunganga at walang kokontra. napapalo ko na anak ko dahil sa inis sa kanila. nung nagbakasyon naman po kami di maarte anak ko nakakakain magisa at nakakapagbihis naman magisa. masyadong nabebaby gusto kong maging independent anak ko para paglaki di siya mahihirapan. ako po kasi di ako independent umaasa pa din ako sa iba pero ngayong nanay na ako gusto ko nakakakilos ako magisa at kasama pamilya ko.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Tama lang po yan mommy. Kahit nakikitira kayo sa kanila, kayo pa din dapat masunod sa pagpapalaki sa anak nyo. If kaya naman bumukod, better na po para mapalaki nyo din ng maayos ang anak nyo.

5y ago

hays. thank you po ma❤️