Stash shot ๐Ÿ˜๐Ÿ’• Proud cloth diapering Momma here! ๐Ÿ‘Œ๐Ÿป

Since nung pinanganak po sya, gumagamit na po kami ng cloth diaper during daytime. Sa gabi lang po kami nag disposable diapers. Bakit nga ba nagustuhan namin to? 1. Matipid. Oo mga Momsh, lalo ngayong pandemic malaking bagay talaga ang pagamit ng CD samin. Nde po kami ganun kagastos sa disposable diapers since sa gabi or pag may lakad lang sya gumagamit ng disposable nappy. 2. Magaganda ang mga designs at prints ng CD. Yes mga mga Momsh, eto po talaga unang nakahikayat saken. Sobrang natuwa po ako sa mga prints nya. Perfect pang ootd ni baby. 3. Eco-friendly. Isipin mo na lang na ang laking kabawasan din sa basura ang nakokonsumo nyo sanang disposable diapers monthly. Kahit papano nakakatulong ka din sa pagbawas ng pagtambak ng mga basura sa landfills. O di ba ang saya? Papahuli ka pa ba? Nakatipid ka na, may pang ootd ka pa ni baby at higit sa lahat nakakatulong ka pa kay Inang Kalikasan!๐Ÿ‘Œ๐Ÿปโ™ฅ๏ธ #WaisnaMisis #ecofriendlyph #clothdiaperingmama

Stash shot ๐Ÿ˜๐Ÿ’•

Proud cloth diapering Momma here! ๐Ÿ‘Œ๐Ÿป
33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

true yan momy. sobrang laking ginhawa ang pagCD. sa panganay ko palang gumagamit na kami CDs, 6years ago. buti naitago ko. okey naman pa sila. nasundan ng pangalwa, 2y.o. nagagamit nya pa CDs ng kuya nya meron konting nadagdag. at ngayon 7mons preggy. nagiipon ulit ng konting CDs. diko na alam total ng CDs nala. ang cute pa ng colors & prints.

Magbasa pa
4y ago

Kaya nga po Momsh. Tyagaan lang din po maglaba. Nde naman talaga sya ganun katrabaho sa labahin. And napakadali lang gawin. Laking tulong at tipid din talaga lalo ngayon na sobrang tight budget po naten

Thanks po sa info. FTM here. Ganito rin gusto ko para ki baby ko pero next pa siya lalabas but I have an idea dahil sa post na to. Ask ko lang po kasi mi iba nagsasabi na nagkaka rashes baby nila kapag eto ginamit. Ano pong magandang ilagay para skin ni baby para iwas rashes? TIA sa sasagot. โ˜บ๏ธ

4y ago

hello mommy,CD user din baby ko since birth,pansin ko naglakarashes siya if hindi siya hiyang sa detergent na ginamit sa CD.dapat po malaman natin ang proper caring ng CD.ngayon po ariel at perla po ginagamit ko and hindi na siya nagkakarashes ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Mommy 1 month na si baby ko umorder ako ng cloth diaper with 4 layer bamboo charcoal insert. Pwede na kaya sakanya yung 4 layer or masyadong makapal? Anong klaseng insert gamiy nyo po on early months ni baby? Di ko pa dumarating yung order ko kaya di ko pa masubukan. thanks

4y ago

Pde na po yan Momsh. gamit ko po kay baby ko 4-5layer po microfiber insert po. meron din pongas makapal pa po.

planning naden to stash,pakonti konti i already have 4 HF,pang presko time,though overwhelmed talaga q sa mga CDing mom kasi dmi nila alam,sana ako din! gusto ko talaga makatipid this time unlike sa 1st born q,and para makabawas nadin sa basura,

4y ago

Dito lang ako sa bunso ko (3rd baby) gumamit neto Momsh, full time mommy na kasi ako. Madami ng time mag asikaso sa bahay. unlike before dun sa 2 working mom ako. kaya ine-enjoy ko lahat ngayon

Paano po yung pagpaplit ng cloth diaper? Kapag nawiwian na po ba and medyo puno na, yung inserts lang po ba ang papalitan o pati stash po? Ilang hours po pwede suot ni baby ang CD? Thanks po.

hi mamsh. ask ko po pano po ba gamitin yan. hmm di ba tumatagas yung ihi ? may absorbent po pa yung pads nya ? mga ilang hrs po bago palitan ? ๐Ÿ˜Š sana po mapansin nyo salamat po. ๐Ÿ˜Š

4y ago

Nde nmn po tumatagas weewee po. depende na din kung heavy wetter po si baby. pero sa baby ko po mga 3-4hrs nya pong gamit yung CD. Depende din po sa insert na gamit nyo kung ilang layer po. yung gamit po namin 4-5layer na microfiber insert po. okay naman po sya

Super Mum

Thank you for sharing mommy. Gusto ko na rin tlaga ipa CD si baby sa umaga kaso ayaw lng ni hubby kasi dadami ang labahin pero pag ako lng ipupush ko na tlaga yan.

4y ago

Nde naman mahirap labhan Momsh. ibabad nyo lang po mga 30mins tapos saka nyo po kusutan.

Ganito mommy nabili ko sa fb groups ๐Ÿ˜ may mga mommies na nagtatahi ng nappies na terno ๐Ÿ˜super sulit lalo kay baby girl haha

Post reply image
4y ago

magkano yung ganyan? anug shop sis?

Cloth Diaper mommy din ako! ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š I stopped using disposable when my baby turned 2 mos old. Now she's turning 6 mos na

anong brand po yung comftble n cloth diaper, may nbili ako hnd ko ngustuhan prang plastic yung loob, hnd comftble s skin n baby

4y ago

Baka wala pong insert yung ginamit nyo Momsh. Halos lahat naman po ng CD Cotton naman po yung loob nya po