What remedy for diaper rash.
Since di pa po kami makakapag pa check up. 😔 Hingi sana ako any remedies or thoughts about this rashes. I've been using Huggies Dry pants po. Nung una po kunting pula lang po sa private parts niya po. So ang ginagawa ko po pag nag change ng diaper niya is Warm water at cotton pang punas. So i put calmoseptine pero di po siya nawala ngayon pang 2 days niya na po parang dmadami at kumakalat pa sa hita niya. 😔 dry naman po yung red dots niya kaya lang sobrang pula po sa paligid niya.
mainit din kasi ngayon mamsh kaya ganyan. ginawa ko di ko na muna pinag diaper si bunso para gumaling rashes nya kasi nakakaawa din pagmasdan lalo at minsan naiirita sya. tyaga lang talaga pagbantay. tiny buds in a rash maganda din gamitin
Try pampers baby dry po momsh. ganyan po dati ang baby ko ang i change her diaper into pampers baby dry and dapat di basa ang pwet ni baby bago isuot ang new one but i put some flour instead using a baby powder and nawala po siya agad.
mas yan po ung effective sa rashes.mabisang mabisa po yan mahal nga lang pero isang lagay mu lang maya maya po wala na maniwala po kayo sakin dahil yan po ung pinaka mabilis maka tanggal ng rashes ng baby ko
drapolene po
ganun din sa baby ko na 2months old ,pampers gamit ko nung una ngkarashers yung private part niya .ngchange aku sa huggies dry pants tapos nilalagyan ko rin ng baby flu na petroleum jelly ,buti nlang nawala.
momsh. pa check mo sa pedia nalang po. si pedia magsasabi kung ano pwede at angkop na gamot para jan.. kasi baka yung pinapahid mo e di rin ayun sa skin type nya lalo na pag babies, sensitive pa skin nila.
sa mga anak q sis lagi aqng may Rash free..pag makapal ung rashes kakapalan mo din apply sa kanya..mabisa siya na try q din kasi calmoseptine eh..mas mabilis nawala rash nila sa rash free nung baby pa cla
Pahinga muna sa diapers mommy. Drapolene cream try mo and iwasan mababad sa ihi si baby. Make sure po lagi dry yang area. Baka di sya hiyang sa huggies. Pagmagaling na ang rashes switch to other brand.
mas okay po mgpa check up po sa pedia..nka ranas din po ako ng ganyan ky baby..effective po na resita sa baby ko ang zinc oxide with aloe ng dermablend..mabibili po sa mercury drugstore.
Hi mommy. Try niyo po gumamit ng mustella vitamin barrier cream. From birth po til toddler na baby ko we use it every nappy change and never po siya nagkarashes. Supper good product po.
how much po at san nakakabili nito mamsh?
Nagkganyan baby ko din sa mamypoko naman di siya hiyang pinapahinga ng pedia sa diaper mga 1month din tapos yung drapolene cream. Nag cloth diaper ako nun ganyan na ganyan din
Excited to become a mum