Mareng Tess: Sismars, ready ka na for tonight's chika?

Sinabi mo ba agad sa asawa/family mo na buntis ka o tinago mo muna? I-chika mo naman 'yan! ๐Ÿ’…๐Ÿป

Mareng Tess: Sismars, ready ka na for tonight's chika?
128 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

tinago ko.. because ayaw ko ma jinx.. madaming hurdles ang pregnancy, una need mo ma confirm na hindi ectopic, hindi blighted ovum, at dapat may heartbeat. pangalawa, dapat malampasan ang 1st trimester. pangatlo, dapat umabot ka ng 37 weeks para sure na hindi premature si baby. nitong stage ko lang gusto ko iannounce sa iba na expecting na kami kasi malaki na chance na magkatotoo tlga paglabas ni baby. ๐Ÿ˜Š ako kasi yung tao na ayaw pa mag celebrate ng bongga kapag hindi pa sure. manganganak nako next week, at ready nako iannounce sa mundo na nanay na ako. โค๏ธ

Magbasa pa

3 rd week ng dec. 2021 nlaman ko preggy kung di dahil sa mga kawork mate ko di ko malalaman. Dahil last period ko nun oct 30, 2021. So ako, bf at mga kawork mate and 2 friends. Ang may alam. Kaya from 3rd week ng dec to january 6, 2021 tinago namin. Pina bed rest ako ng doc ko ng 10 days. Kaya kinausap ko si bf na sabihin s mother ko dahil magtataka bakit di n ko napasok. And s side ng bf ko di pa alam n preggy ako. 6 months n kmi ng bf ko. Napkilala nya n ko. Busy pa kase si bf. Hoping before end of january masabi na. ๐Ÿ˜Š #firstbaby #10weeks

Magbasa pa

Isang buwan dipa ako dinadatnan sinabi k sa asawa k Wala pa ako Ngayon Sabi nya mag pt daw ako baka delay lang Sabi k Sana nga Hanggang sa dalawang buwan n Wala parin pero alam Kuna buntis ako sinabi k buntis n ako dalawang buwan saka k sinabi sa mga magulang k n buntis ulit ako sa second baby k Sabi sakin iuwe koraw ung panganay cla nalang mag ala total malalaki naman narin kmi saka malaki narin bunso Namin gusto Rin nila my Bata don sa bahay Sabi k try k pero ayoko mawalay panganay k sakin

Magbasa pa
VIP Member

No, Dahil halos lahat ay excited na ma buntis ako. :) Nakkahappy kaya kapag lahat Nag aabang :) pero hnd ko pa alam na buntis ako kaya nag PT agad ako pag ka uwi ko galing Baguio from Seminar kc super duper delayed na ko nun and lahat naka abang sa result ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜ญ then pag labas ng result chaaaran! Sinabi agad nmn sa both fam and post agad agad sa FB. Ganun cguro takaga kapag masaya ka at proud na proud maging isang ganap na nanay na.

Magbasa pa

yes po sa Family ng asawa ko tinago namin, Actually pamilya ko lang sa probinsya ang nakakaalam at center Din dito samin, Nakunan kasi ako last 2019 , ayaw kong Sabihin ng family ng asawa ko "nako makukunan din yan" kaya tinago muna namin 15 weeks na tyan ko, malalamn din naman nila pag nagkita Kami soon, Pero ayaw kasi ng asawa ko namakarinig ng negative about sa pagbubuntis ko kaya di muna namin pinaalam.

Magbasa pa

No. kasi alam ni hubby kung kailan ako dadatnan. nagtaka sya kung bakit di pa ako gumagamit ng napkin. kaya alam na niyang delay ako. naghintay lang sya ng 10days delay. at yun excited na syang mag PT ako. hahaha sobrang saya niya nung nag positive. parang aligaga di mapakali. laging nakangiti. . at agadยฒ tinawagan niya byanan ko kahit alam niyang tulog nang mga ito dahil hating gabi na. ๐Ÿคฃ

Magbasa pa

Pagka PT ko at positive, tanghali noon. Yumakap ako sa hubby ko at binulong ko na buntis ako. ๐Ÿ˜… Nangingilig katawan niya sa tuwa, hinanap agad PT ko. Then pinagtry pa ako mag PT ulit. Positive talaga. Balak ko sana magpa check up muna before sabihin kila Mommy, pero same day, nagpunta kami sa bahay ng parents ko para inform sila. Tuwang tuwang ang lahat, sobra. โค

Magbasa pa

Nalaman po agad ng asawa ko after ko mag PT sya din kasi nagsabi na mag PT ako kasi napakasungit ko daw haha so yun nga positive๐Ÿ˜…tapos kinaumagahan sinabi nya sa magulang nya Positive ako so yun gets na tinignan tiyan ko malaki na daw haha๐Ÿ˜… then kinagabihan sa family ko naman tapos mismong gabi na yun pinost ko na sa FB mamaya maunahan pako ng mga marites e haha๐Ÿ˜†

Magbasa pa
VIP Member

Hindi, excited pa nga LIP ko nung nalaman na buntis ako kase tagal na nya sakin hinihingi yun. Nashock lang ako that time kase late ko na nalaman na buntis na pala ako 10weeks na pala yung baby ko nun sa tummy. Iniwan ko agad yung trabaho ko nun (call center agent kase ako that time) kase binedrest ako ng OB ko, so sabi ni LIP magresign na ako.

Magbasa pa

mga 3months nun di ko alam na preggy na pala ako , kaya nagdecide akong magpt kasi di na ako dinatnan eh , pinabili ko ung Lip ko ng pt , pagka pt ko nagpositive sya sinabi ko agd saknya and happy sya di ko expected ng preggy na pala ako , sa family ko naman syaka ko lang nasabi nung nalaman kong preggy pala talaga ako ..

Magbasa pa