share ko lang..
Simula sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis, yung suka dito suka dun😂 yung halos wala ng mailabas pero suka pa din. Gusto mong kumain pero walang panlasa at parang lahat ng pagkain kapag naaamoy mo pa lang nasusuka kana. Dagdag mo pa yung palagi kang nalalaway tapos kasunod nun suka ulit.😂 ilang pack ng candy ang nauubos ko wag lang masuka habang nasa trabaho. On my 4th month pregnancy dun pa lang ako nakakakain kahit papano, Madalas pa din magsuka at mahilo. 7 months nagkaron ako ng mga pimples sa mukha at likod, umitim lahat ng tagong part😂 sumakit ang ngipin gabi gabi,tubuan ng mga butlig sa katawan na makati ( dala daw ng pagbubuntis according to my ob) nandun pa yung mapuyat ka sa gabi kakaihi mayat maya. Hindi makahiga ng maayos sa laki ng tyan. Hirap makayuko o kahit magsuot ng sapatos dahil sa tyan. Madalas nagpapaiyak sakin yung pananakit ng ngipin sa gabi. Tinitiis ko kasi ayaw ko uminom ng kahit anong gamot. Akala ko yun na pinakamasakit, pero nung madaling araw na manganganak na ako, during labor parang gusto ko na mamatay😂 yung sakit na hindi ko ma explain na nawawala na ako sa katinuan😆 wala na akong pakialam sa paligid o kahit nga masilipan nung mga asawa ng kasabay ko manganak. Natingin sila kapag inaie ako pero wala na akong pakialam basta umiiyak na lang ako nun at gusto ko ng mawala yung sakit. Sobrang hirap na hirap na ako nun. Pakiramdam ko nun di ko na kakayanin. Iba yung klase ng sakit na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Hitsurang ngarag at gulo gulong buhok, nakadiaper at hinang hina na sa tagal ng labor. Hitsurang hindi na maintindihan😂 Nung nailabas ko na si baby at narinig ko yung iyak nya. Dun ko naramdaman yung kakaibang saya, halos hindi ko naramdaman ang sakit ng pagtahi sakin, lahat ng pain, hirap at pagtitiis ay napawi sa unang iyak ng aking baby. After nun akala ko madali at kakayanin ko kahit mag isa kami ng asawa ko mag aalaga kay baby. A week after ko manganak tumaas bp ko at muntik na maconfine, kinakatakot nila na mag combullsion ako at mag pre elampsia. Halos maghapon minonitor bp ko. Nag test ng urinalysis at nag positive same protien😣 hindi ako pede ma confine kasi walang ibang mag aalaga sa baby ko.Mabuti na lang bumaba na din bp ko nun at pinayagan na nila kami makauwi. Sa loob ng isang buwan hirap na hirap ako, first time lahat para sakin at hindi talaga madaling mapuyat habang hinang hina pa katawan mo. Yung sumasabay pa yung ngipin sumakit sa pagkirot ng tahi ko. Magpadede kahit sugat na sugat na ang nipple ko. Kapag umiiyak si baby sa madaling araw at hindi ko mapatigil, umiiyak na lang din ako. Napakahirap po talaga pero napakasaya din, kakaibang saya kapag minamasdan ko ang aking anak. Hindi makapaniwala at sobrang thankful sa panginoon sa napakalaking blessing na pinagkaloob nya. Ngayon going 3 months na si baby ko, medyo nakabawi na ako sa mga puyatan nights😂 Hindi pa din madali pero hindi na ganon kahirap, bumalik na yung dati kong kulay. Kapag nakikita ko healthy si baby at palaging masaya, worth it lahat ng sinakripisyo ko. Salamat sa panginoon at pinaranas man nya sakit sa masakit na pamamaraan pero hindi nya ako pinabayaan. Ang resulta ng lahat ng naranasan ko ay syang nagdudulot ngayon ng labis na kaligayahan sa buhay namin ng asawa ko. 🙏