Giving up.. need some advice

Simula nung nahuli ko si hubby na nagkikita parin sila ng ex niya, dun nagstart na wala na akong trust sa kanya. Everytime na sasabihin nya na lalabas sya andun lagi yung duda. Lagi nalang kami nag aaway sa ganung bagay.. Though minsan lahat ng hinala ko totoo. Nasasaktan na ako sobra, hindi na ako masaya, kahit anong pilit ko wala na talaga akong tiwala. Ngayon umalis nmn sya, at nakita ko may ka chat syang ibang babae.. Sinabe ko sa kanya na maghiwalay nalang kami. Kaso wala akong ipon.. Siguro pera ko nasa 29k lang. Matanda narin magulang ko para mag alala sila sakin. Kaya need ko tumayo sa sariling paa. By the way im 6 months pregnant. Hindi ko n alam gagawin ko. Ang nasa isip ko lng kailangan kong lumayo dahil sobra na akong nasasaktan.. At alam ko nasasaktan narin baby ko. Ano po ba pwede kong gawin. Salamat.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang sakit at ang lungkot po talaga ng pinagdadaanan mo ngayon. Alam na alam ko yan mamsh. Ramdam na ramdam kita ngayon. Kakatapos ko lang at namin ni hubby ko sa ganyang pagsubok. Ang mabuti mong gawin mommy, magusap po kayong dalawa. Nung panahon bang una mo siyang nahuli, sinabi/kinompronta mo siya? Unang beses niya palang ba yan ginawa sayo since naging magasawa kayo? Lahat ng tanong mo, ibato mo sakanya. Open mo sakanya lahat ng nararamdaman mo. Pag katapos mong malaman lahat or makapagusap dun kapo magdecide. Wag na wag magdedecide kung galit at nasa highpeak ka ng emotions mo. Wag na wag po. Mas kukumplikado ang lahat. Saka ikaw lang nakakakilala sa asawa mo, alam mo naman kung magsasabi yan ng totoo o hindi. Or maganda po pag nagusap kayo maglatag ka ng mga ebidensiya mo. Minsan kasi sa lalaki, huling huli mo na tatanggi pa yan. Tatagan mo ang loob mo mommy ha. Pag feeling mo nawawalan ka na ng kumpyansa or feeling mo down na down kana, isipin mo si baby mo. Siya gawin mo at pagkuhanan mo ng lakas para harapin yan. Saka pray ka mommy. Nakakatulong po yun.

Magbasa pa