ako lang ba?

simula nung nagbuntis ako napansin ko na sa sarili ko na lagi akong malungkot o kaya emotional. tuwing gabi naiiyak ako dahil lang sa simpleng bagay o di kaya sa napanood ko. minsang nag away kami ng asawa ko, buong araw akong malungkot. mabigat yung dibdib ko at maya't maya akong naiiyak. minsan naiinis na ako sa sarili ko. ?

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hormones lang yan sis. Ako nga naiiyak ako kapag hindi ko makain yung gusto kong kainin. At madali rin akung magalit, mayat maya tatawa nalng bigla na medjo naaawa kapag nakita mong effort ni hubby para sayo. 🤣🤣🤣 Sira ulo lang ang peg.