10 weeks pregnant

Simula nabuntis ako, sobrang onti ko lang kumain, mga limang subo lang feeling ko naka limang kanin ako sa mang inasal, normal po ba na onti lang nakakain??

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yes normal lang sis same tayo ganyan kahit ngayon na 34 weeks nako di talaga ako makakain ng madami now nasasawa na agad ako pero sabi ng ob ko okey naman daw timbang at laki ni baby sa loob saka nada dagdagan naman daw kasi timbang ko kahit konti lang kain ko.

Ganon talaga kapag naglilihi. Ganyan din ako kaya instead na madagdagan timbang ko nababawasan. Kapag 4mos ka na, mawawala na yang paglilihi mo pero may ibang buntis na hanggang sa manganak naglilihi

oo naglilihi ka pa kase sis same here ako nga minsan di nakakakaen tas mga biscuit nalang kinakakaen koπŸ˜… tas sukalord din ako πŸ˜‚ bute ngayong 5months kakatapos ko lang maglihiπŸ˜‡

Samehere sis. Kaya pumayat ako kasi hina ko kumaen sinusuka ko pa, pero now 15weeks na ko mejo okay na ko kaso may time na konte parin ang kain ko but mostly bumabawe ako.

VIP Member

Ganyan sa first trimester. Minsan nga makadlawang subo ka solve ka na. Malamnan mo lang tyan mo. Lalo pag yung food masyadong malasa at mabango.

VIP Member

Ganyan din po ako mamsh, kaya bumaba timbang ko. Pero pag tungtong ko ng 5 months, lakas ko na kumain. nadagdagan agad timbang ko hahaha

Normal lang po yan.. Magbabago din po yan! Ganyan din po ako nun, pagdating ko 4months bumalik na gana ko sa pagkain

VIP Member

Ganyan din ako mommy. Super selan pero now okay na ako. Super takaw naman. 🀣 Nagbabawi. 15weeks and 4days here.

Ganyan talaga yan. Pero asahan mo pag dating mo sa 5 months to 9 months magtatakaw ka na nyan lagi ka na gutom

VIP Member

same experience mommy, madalas hindi pako makakain dahil sa mga naaamoy ko. Madali din akong masuka.