Posterior and Anterior Placenta

Silent reader lang ako sa app na to.. Pero madalas akong mag basa lalo na kung scientifically based post.. Hindi naman din kasi ako nag ba base sa kasabihan lalo na when it comes to gender😂 lalo na pag sinabing base sa itsura daw nang nag bubuntis.. Kapag blooming ka at maganda meaning babae? 😂 😂 😂 At kapag lumaki daw ang ilong mo at nangitim kili-kili or batok mo ay lalake😂😂😂 para sakin walang katotohanan lahat yan.. Kahit may mga naka experience pa. When i was pregnant to my eldest hindi naman din ako pumanget or wala namang nangitim but yung ilong ko medyo lumaki talaga😂 tapos ramdam ko hindi healthy yung skin ko, parang dry pero di naman malala.. Some people say "lalake anak mo kasi ang haggard mo tignan" ako naman tatawa lang ako😆 pero nagpa ultrasound ako hindi din makita 🤦‍♀️ 4x as in wala siyang pinakitang gender niya.. But most of the sono says mataas ang chance na babae siya.. And voila! It's a girl nga nung manganak ako.. Kaya na sabi kong di talaga totoo yung blooming keme nila pag girl💯😂 As of now, ill be having my second baby.. May na basa ako dito na kapag daw POSTERIOR PLACENTA isa reliable for baby boy and ANTERIOR PLACENTA is for baby girl.. So i researched, nag basa ako sa Google and kinumpara ko yung ultrasound ko ng 15 weeks up to the photo posted and it came out same na posterior placenta 🥰 and google says na posterior is boy nga. May mga kasabihan din naman na nakaka tuwa, like naka base daw sa nipple ng susundan niya.. Pag bilog daw meaning boy ang susunod.. And pag may biyak daw is girl😁 i find it funny kasi haka haka lang yon. Ultrasound parin naman ang makaka pag sabi talaga. But still hindi din naman lahat ng ultrasound ay tama, i have a friend na first ultrasound niya sabi girl.. Pinagawa niya yon 4 months pa lang daw.. So nung namili ng gamit puro pink🤣 nung last ultrasound niya na nakita na lalake pala😂 then the sono ask "ilang months po ba kayo nagpa gender?" my friend replied "4 months po" the sono said hindi pa sapat yung period of time para makita kung ano nga ba ang gender ni baby non unless naka bukaka daw. My friend felt bit of disappointment kasi they want a girl but still happy coz she's having a baby.. May edad na din kasi siya para sa first baby niya.. Ginawa na lang naming joke or katatawanan experience niya about don.. 😂 😂 😂 When i was at my mom's womb sabi lalake daw ako 😅 so nag expect din sila but ang lumabas is ako😂 babae! Noon medyo ok pa na magka mali kasi mababa pa ang technology natin pero ngayon iba na.. Anjan ang 2D like my ultrasound and 3D na makikita mo na talaga pati atay ni baby.. So kung gusto mo talagang malaman ang gender ni baby better consult doctor kesa maniwala tayo sa haka haka💯 And thats my opinyon.. Ikaw anong naka lagay sa ultrasound mo? Is it Anterior or Posterior? Share your thoughts😊

Posterior and Anterior Placenta
48 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa akin posterior and its a boy

Anterior and its a Girl 😊

Post reply image
VIP Member

Anterior Baby boy 👶

posterior baby girl..

Anterior and it's a girl😍

anterior baby boy...

anterior baby boy

Posterior , Boy!