39 WEEKS & 5 DAYS

No sign of labour pa din😢

39 WEEKS & 5 DAYS
20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

39weeks and 2days na ko pero puro Braxton Hicks lang Nararamdaman ko at Paninigas ng tiyan. Dibale lam ko di tayo papabayaan ng Diyos 🤗basta Ginagawa ko naman sinasabi nila kaya ishe-share ko rin sainyo. Tamang Exercise lang , Lakad Lakad Tas Squat . Samahan Ng Pagdarasal .. Kain ng mga Prutas at gulay pati isda, Bawas muna sa maraming kanin at Karne ng baboy. Wag bababa sa 2litro ng tubig ang dapat mainom sa isang araw , pero pag bedtime na wag na uminom ng Tubig para Iwas Patayo tayo para Makaihi. Mas Better rin daw po kung Maligo ng mabilisan sa gabi bago matulog pero dapat maligamgam po ipangligo, Pampabawas lang po yun ng sakit pag nag labour. Iwas din po sa mga Softdrinks at Junkfoods. Pagminamanas po ang Paa at Kamay lalo na ang mata at muka, Magpacheck up na po agad Sa OB baka Preeclampsia na po yun , Delikado para sa baby. Goodluck satin Makakaraos Din Tayo In jesus name 😇🙏

Magbasa pa
5y ago

Buti kaya mo po na d ka naghahapunan sa gabi?

VIP Member

Same po tayo mamsh, Pero ako 2cm na daw sabi last check up ko, Wala padin dakin nasakit na kahit ano, kaso sobrang maya't maya ihi ko kasi ang lakas ko sa water and wala din ako iniinom na eve prim or what vit and ferrous lang, tad lakad lakad konting squats tas kain ng fresh pineapple at inom ng del monte pine apple juice tas tommorow balik ko for check up and BPS Ultz daw, Sobrang naiinip nako. Sana makaraos na tayo mamsh 😇🙏

Magbasa pa
Super Mum

Lakad lakad ka lang lagi mommy kahit sa bahay, tapos squats, nood ka rin po ng mga YT videos na pwedeng gawin para makainduce na labor. Kausapin mo rin po lagi si baby. 😊 May nireseta po ba na pampalambot sa inyo ng cervix si OB? Kadalasan po kasi pag FTM +/- 2 weeks sa EDD. Once na lumagpas po kaya ng due date nyo, imomonitor naman po kayo ni OB at baka iinduce na rin kayo. Good luck. Sana makaraos ka na.

Magbasa pa
5y ago

Yes po' meron po akong tinitake na primrose sakto po ubos na sya bukas then check up ko na din po tommorow. Nag woworry lang kasi ako mamsh na baka overdue na pag lumagpas pa sa due date ko.

TapFluencer

Same po tayo 39 weeks and 2 days npo, ang nararamdaman q lng paninigas ng tyan tas hihila pero tinatagal nya lng 30 second, tas mawawala tas mas mdalas npo aqo dumi ngayon yung malambot n dumi pero kakaunti lng, sana makaraos n tayo at normal delivery in jesus name amen.

5y ago

Pang ilang week ka nanganak mamsh?

Goodluck saten mga sis . 40wks1d . Na din ako no sign of labour ginawa ko na din lahat kinakausap ko nga sia lage at minomonitor yung movement niya pray lang tayo makaaraos din tayo at ligtas na makakalabas si baby

1st baby po ba? Normal lng dw na lumampas sa due date si baby basta panganay. Minsan advance, minsan late. Ako nga umanot ng 40 weeks and 6 days. Lakad2 png mommy at squat rin lalabas dn yan si baby tiwala lng😇

5y ago

Normal delivery naman po kayo?

Ako mami 39 weeks and 1day. Tumatae tae ako ngayong buong maghapon na tubig at kulay itim. Wala pa naman ako nararamdaman kahit ano maliban sa pagtatae.

40 weeks and 2 days na ako momsh no sign of labour PA din. . nagpacheck up ako kahapon 5cm na pero wala pa din ako nararamdaman 😔

5y ago

Uo sis . Pray pray lang tayo

VIP Member

Owkay lang po yan. My cousin was like that the day before her labour then lakad lang sya ng lakad sa hospital.

Okay lang yan sis. Ako nanganak ako 41 weeks. 😊 Basta ingat ka lang sa pagkain baka lumaki si baby