Nakakastress 39week and 5days.

No sign of labor. Ginawa ko na lahat😢 simula 36 weeks naglakad lakad nako 1hr kada umaga plus lakad lakad din sa tapat ng bahay, baba akyat sa hagdan, squat oras oras, pagod na mga paa ko tinitiis ko lang. Nag iinom ng salabat at pineapple juice. Nakadami nako ng primrose oil. Pero no sign of labor parin wala din discharge. Stock 2cm. Pero kahit papano think positive parin ako na lalabas si baby ng healthy at normal. Ayoko macs😭 lord please sana makaraos nako. #firstbaby #advicepls

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same here mommy🙋‍♀️ 39W5D worried nadin pero pinipilit magrelax at wag magpakastress! tiwala lang tayo makakaraos din 😇 wala padin kahit anong sign nagawa nadin lahat ng effort still ayaw pa ni baby lumabas. sobrang likot din nya baka ineenjoy pa nya sa loob. kaya kalma lang tayo kahit nakakakaba na tuloy lang ang exercise kaya natin to! godbless satin ❣😊

Magbasa pa
1y ago

tama☺️ pray lang po🙏🏿

sameee.. nakipag do narin nga kay hubby kso wla parin effect. ayaw bumuka ng cervix.. pero think positive parin. Pray hard tsaka lagi parin kausapin si baby. baka mag last minute labor kesa sa hindi 😁

mga momshy magtatanong lang po may lumalabas po sakin na ganyan, tanung ko lang po kung ano ibig sabihin niyan? 39weeks preg na po 🤗 ps; sorry sa pic dko po kasi ma hide ..

Post reply image

try mo mommy magpagalaw kay hobby ... suggest din ng iba yun .. tinry namin last night at nagkakadischarge na ko ... at medyo nakakaramdam naku ng light labor ..

Same feeling po..mag te 39 weeks na ung akin tomorrow.. Pero no signs of labor..cnasamahn q din po ng prayers bukod pa sa mga paglakad2 para bumaba c baby....

na stress Rin ako mamsh Kasi ang kapal ng Banas ko nagkaka rash na dalawang hita ko sobrang Laki ng Banas ko march 18 EDD ko nag worry na nga ako ehhh😔😔

1y ago

sana Lang mamsh makaraos na Kasi hirap Nako umopo masakit na both tagiliran ko

ako rin mamsh 38 weeks and 3 days still, no sign of labor parin. masakit na singit ko kaka squat at lakad lakad. sana po makaraos na tayo 🙏❤

1y ago

gusto kona talaga makaraos kami ni baby ko, naka 4banig nako ng eveprim sana tumaas na cm ko ayaw ko ma-stock sa 2cm huhu

same sa wednesday na due date ko pero pakirot kirot lang konti huling i.e sakin 2cm palang gusto ko na din makaraos. sana makaraos na tayo huhu

1y ago

oo nga😭 sana makaraos na tayo😭

Kapag po ba may discharge na na color light green tas parang sipon texture ibig sabihin malapit na?feeling kopo kase mucus plug na yun.

TapFluencer

39 weeks na rin ako bukas. But still im hoping and i always pray na makaraos na kami. medyo may sakit na i hope ito na to.