No morning sickness

Hello! Should I be worried if I don’t have morning sickness? Btw I’m 5 weeks pregnant.

No morning sickness
72 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako mag 15weeks na si tummy ko pero Hangang ngayun meron parin ako morning sickness , sobrang hirap po kase lagi kang gutom pero hndi ka makakaen maayus kase parang bloated ung tyan mo , ung kunting kaen mo pero paranh lang busog kana tapos nasusuka ka na tapos makaamoy ka lang ng matatapang na amoy hilong hilo kana en gusto mo na tumakbo sa banyo , tapos pag sumuka ka halos gusto nya walang wala talagang laman tyan mo , gusto nya ung ilalabas nya lahat ung tipong ang paitpait na nung sinusuka mo halos sugat na lalalamunan mo ang hirap po talaga saka hndi lang sya morning aatake din yan pag patulog kana or sa madaling araw. ☹️ mahirap pero masaya sya kase alam mong may isa pang buhay sa loob ng tummy mo . anyway,congrats sayo mommy . ingat ingat lang po 😅

Magbasa pa

Same po tayo wala talagang morning sickness hanggang ngayon na 20weeks pregnant na ako. Btw nagPT ako dati dun ko lang nalaman na buntis ako kasi nga di na ako dinatnan, 9weeks ako nung nalaman kong buntis ako hehe may mga ganun pala talaga na walang morning sickness. Pasalamat tayo momsh na wala tayong morning sickness kasi mahirap kapag meron at saka magkakaiba din kasi mga buntis 😊

Magbasa pa

Mas okay walang morning sickness mamsh. ako 8 weeks nag start yung morning sickness ko. pati tubig sinusuka ko. tas yung morning sickness na dapat morning lang nako, kahit gabi or anong oras andyan talaga. mangangayayat ka po. kaya dapat mas happy ka if wala ka nun 😊

sakin dn po walang morning sickness ng spotting ako ng brown kala ko mens kyan ngpa check up ako kaya po na nalaman ko preggy ako pero di dn po ako naka experience na morning sickness. so dont worry. so long nahealthy pg buntis mo Mommy

same here wlang morning sickness.. which is namiss ko during pregnancy😂 but well bless pa dn kc d ko sya experience ngaun sa 3rd baby ko sensitive lng ako sa mga amoy gaya ng shampoo sabon mabango at bawang gisa.

No worries at all po.hindi po same lahat.mayron iba po early stage of pregnancy grabeh na morning sickness like me.pero ung iba nmn po..wla pa sa huli nlng po.as long as you and your baby is fine after check up. 😊

Akala ko din wala akong morning sickness. nkakainom pako ng anmum non at nakakakain ng kung ano ano. Pero pagtungtong ko ng 8 weeks don na nagsimula yung hirap na puro suka tsaka nggng mapili nako sa pagkain.

mas ok wala.. ako ganyan wag lang mati trigger ng mabahong amoy na nakakasuka talaga or malilipasan ng gutom.. wala din akong specific na pinaglilihan kaya hayahay si mister sakin 😁😂

No worries po kc may ibang buntis talaga na walang nararamdaman na paglilihi,tulad ko nun sa first born ko,as in lumaki ang tyan ko til nanganak ako e'wala akong morning sickness😊..

VIP Member

5 weeks ako sis wala pa talaga akong symptoms then come 7 weeks ayun full blast. Ahahaha. Basta ramdam mo ibang symptoms like breast tenderness ibig sabihin okay si baby sa loob