My Best friend

Just sharing I have this kind of friend, bestfriend pa actually since 2nd year high school and she's my maid of honor sa wedding ko. Sadly sa part ko, hindi ako nakatungtong ng college, nagwork agad ako at the age of 18 sa manufacturing and luckily after trial, nakapagwork din ako sa BPO. My bestfriend is lucky dahil yung family niya pinag-aral siya hanggang makapagtapos ng college, she has higher chance na mag succeed sa buhay. During the time nagwowork ako sa BPO nakilala ko yung boyfriend ko sa social media, he's newbie lang sa profession niya. Before niya ako mabuntis, naging okay yung career, lumaki yung kinikita nya. 9 months after ko manganak, pinakasalan ako ni boyfriend sa dream wedding ko. Naging okay yung buhay namin, bumili si hubby ng sasakyan, new house namin and sobra pa yung kinikita niya para makapag travel kaming family, dinedate ako palagi ni hubby and ilan dun pinopost ko online not to brag, way ko lang to save some of our happy moments. Medyo hindi makapaniwala yung iba kong old friends sa buhay ko ngayon since mababa yung tingin nila sa akin for not having a college diploma tapos kung ano masasarap na nararanasan ko ngayon. My bestfriend, siya mismo nag confront sa akin na yung success ni hubby, kung ano man yung binibigay and pinaparanas na marangyang buhay sa akin is not my achievement and I shouldn't be proud. Dapat ko daw bawasan yung pagflaunt ng meron ako dahil kay hubby naman galing lahat ng yun. Kung anong meron daw ako ngayon, wala akong kinocontribute since nasa bahay lang ako (walang kinikita) dahil after ko manganak nagfocus na ako kay baby. My best friend makes me feel na dapat ma-insecure ako although di pa nila nararanasan yung meron ako ngayon, lahat ng meron sila so far ay pinaghihirapan nila at hindi galing sa iba. I'm actually helping my hubby's small company and kahit papaano may online busines naman ako habang nag-aalaga kay baby. Gusto ko lang i-share dito since bestfriend ko siya mismo, wala akong masabihan ng bagay na ito. Very clueless ako na may mga taong di pala masaya sa magandang outcome sa buhay ng ibang tao to think na yung bestfriend ko pa pala isa sa taong yun.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sakin po same Tayo ☺️ sa magkakapatid ako ung Di nakatapos Pero may dahilan bakit Di ko sya tinuloy . college ako ng malaman ko na may sakit ako scoliosis at TB so Kung makakatapos man ako alam ko na mahihirapan ako makahanap ng trabaho Dahil sa sakit ko. Kasi ung TB ko lala pa as everytime babalik sya . may Bf ako noon . same kaming college then tumigil na ako pumasok nag stay na Lang ako sa Kanila habang nag papagaling nabuntis ako .pinakasalan nya ako ☺️kahit ang bata pa nya . ung family ko ang gusto ituloy ko ung Pag aaral ko Dahil nga may anak na ako at mag work na daw si hubby Dahil sya ang lalaki. Ung panahon na un Kasi may pampaaral talaga ako Kasi may naiwang Pera ang Papa ko saming magkakapatid bago sya nawala. Hindi ako pumayag inisip ko na kahit Naman makatapos ako mahihirapan ako magkatrbaho . pinili ko na ako na muna ang gagastos sa anak namin ung pampaaral ko ginamit ko para sa lahat ng kailangan ng anak namin Pero kahit nag aaral pa si hubby nagtatago sya sa allowance nya para pandagdag sa needs ng baby namin ☺️at si hubby Naman mag tatapos ng Pag aaral. Para makapag Aral sya ng maayos pinili ko na dun sya mag stay sa Kanila sa manila habang nag aaral at ako sa bahay namin uwiian Lang sya.ako lahat ang nagalaga sa anak namin hanggang makatapos sya..ngayon present time masayang masaya ako sa nagawa ko.. nakatapos si hubby at maganda work nya. may sarili na kaming bahay 🥰 maganda ang buhay ko ngayon kasama ng pamilya ko. malayo sa family ko Hindi man ako nakapag tapos Gaya ng mga kapatid ko . sa magkakapatid Naman ako ang nakatapos ang asawa at nakabukod pa. sakin Hindi kaibigan ung maliit tingin sakin mismong mga kamaganak . ang sakit Lang sa part ko na wala silang alam sa buhay ko .Pero sa inggit nila sakin .pinapamukha nila na Di ako degree holder . by the way magkaka business na Kami tailoring shop Dahil magaling ako mag tahi. lucky ako Dahil naka support asawa ko sakin .never nyang pinaramdam na Pera nya kanya Lang . samin daw un dalawa at sabay kaming aangat 🥰🥰🥰 nag papasalamat ako Kay GOD na binigyan nya ako ng asawang napakabait.. sorry na share ko ung story ko😅 advice ko Lang sayo. mabuhay Ka ng masaya kasama ng tunay na nagmamahal sayo..lumayo Ka sa mga taong mababa tingin sayo..kahit kaibigan o kadugo mo pa..ang mahalaga nagagawa mo lahat para sa pamilya mo at masaya kayo..wag mong isipin iniisip ng iba... 🥰 Blessed Tayo 🥰👍 kaway kaway sa mga tulad namin na Hindi nakatapos Pero masaya sa buhay ngayon.. Hindi Kami palamunin . Dahil ginagawa namin ang lahat sa bahay at pagaalaga sa pamilya namin na walang hinihinging kapalit.🥰

Magbasa pa