My Best friend

Just sharing I have this kind of friend, bestfriend pa actually since 2nd year high school and she's my maid of honor sa wedding ko. Sadly sa part ko, hindi ako nakatungtong ng college, nagwork agad ako at the age of 18 sa manufacturing and luckily after trial, nakapagwork din ako sa BPO. My bestfriend is lucky dahil yung family niya pinag-aral siya hanggang makapagtapos ng college, she has higher chance na mag succeed sa buhay. During the time nagwowork ako sa BPO nakilala ko yung boyfriend ko sa social media, he's newbie lang sa profession niya. Before niya ako mabuntis, naging okay yung career, lumaki yung kinikita nya. 9 months after ko manganak, pinakasalan ako ni boyfriend sa dream wedding ko. Naging okay yung buhay namin, bumili si hubby ng sasakyan, new house namin and sobra pa yung kinikita niya para makapag travel kaming family, dinedate ako palagi ni hubby and ilan dun pinopost ko online not to brag, way ko lang to save some of our happy moments. Medyo hindi makapaniwala yung iba kong old friends sa buhay ko ngayon since mababa yung tingin nila sa akin for not having a college diploma tapos kung ano masasarap na nararanasan ko ngayon. My bestfriend, siya mismo nag confront sa akin na yung success ni hubby, kung ano man yung binibigay and pinaparanas na marangyang buhay sa akin is not my achievement and I shouldn't be proud. Dapat ko daw bawasan yung pagflaunt ng meron ako dahil kay hubby naman galing lahat ng yun. Kung anong meron daw ako ngayon, wala akong kinocontribute since nasa bahay lang ako (walang kinikita) dahil after ko manganak nagfocus na ako kay baby. My best friend makes me feel na dapat ma-insecure ako although di pa nila nararanasan yung meron ako ngayon, lahat ng meron sila so far ay pinaghihirapan nila at hindi galing sa iba. I'm actually helping my hubby's small company and kahit papaano may online busines naman ako habang nag-aalaga kay baby. Gusto ko lang i-share dito since bestfriend ko siya mismo, wala akong masabihan ng bagay na ito. Very clueless ako na may mga taong di pala masaya sa magandang outcome sa buhay ng ibang tao to think na yung bestfriend ko pa pala isa sa taong yun.

17 Replies

Sakin po same Tayo ☺️ sa magkakapatid ako ung Di nakatapos Pero may dahilan bakit Di ko sya tinuloy . college ako ng malaman ko na may sakit ako scoliosis at TB so Kung makakatapos man ako alam ko na mahihirapan ako makahanap ng trabaho Dahil sa sakit ko. Kasi ung TB ko lala pa as everytime babalik sya . may Bf ako noon . same kaming college then tumigil na ako pumasok nag stay na Lang ako sa Kanila habang nag papagaling nabuntis ako .pinakasalan nya ako ☺️kahit ang bata pa nya . ung family ko ang gusto ituloy ko ung Pag aaral ko Dahil nga may anak na ako at mag work na daw si hubby Dahil sya ang lalaki. Ung panahon na un Kasi may pampaaral talaga ako Kasi may naiwang Pera ang Papa ko saming magkakapatid bago sya nawala. Hindi ako pumayag inisip ko na kahit Naman makatapos ako mahihirapan ako magkatrbaho . pinili ko na ako na muna ang gagastos sa anak namin ung pampaaral ko ginamit ko para sa lahat ng kailangan ng anak namin Pero kahit nag aaral pa si hubby nagtatago sya sa allowance nya para pandagdag sa needs ng baby namin ☺️at si hubby Naman mag tatapos ng Pag aaral. Para makapag Aral sya ng maayos pinili ko na dun sya mag stay sa Kanila sa manila habang nag aaral at ako sa bahay namin uwiian Lang sya.ako lahat ang nagalaga sa anak namin hanggang makatapos sya..ngayon present time masayang masaya ako sa nagawa ko.. nakatapos si hubby at maganda work nya. may sarili na kaming bahay 🥰 maganda ang buhay ko ngayon kasama ng pamilya ko. malayo sa family ko Hindi man ako nakapag tapos Gaya ng mga kapatid ko . sa magkakapatid Naman ako ang nakatapos ang asawa at nakabukod pa. sakin Hindi kaibigan ung maliit tingin sakin mismong mga kamaganak . ang sakit Lang sa part ko na wala silang alam sa buhay ko .Pero sa inggit nila sakin .pinapamukha nila na Di ako degree holder . by the way magkaka business na Kami tailoring shop Dahil magaling ako mag tahi. lucky ako Dahil naka support asawa ko sakin .never nyang pinaramdam na Pera nya kanya Lang . samin daw un dalawa at sabay kaming aangat 🥰🥰🥰 nag papasalamat ako Kay GOD na binigyan nya ako ng asawang napakabait.. sorry na share ko ung story ko😅 advice ko Lang sayo. mabuhay Ka ng masaya kasama ng tunay na nagmamahal sayo..lumayo Ka sa mga taong mababa tingin sayo..kahit kaibigan o kadugo mo pa..ang mahalaga nagagawa mo lahat para sa pamilya mo at masaya kayo..wag mong isipin iniisip ng iba... 🥰 Blessed Tayo 🥰👍 kaway kaway sa mga tulad namin na Hindi nakatapos Pero masaya sa buhay ngayon.. Hindi Kami palamunin . Dahil ginagawa namin ang lahat sa bahay at pagaalaga sa pamilya namin na walang hinihinging kapalit.🥰

first of all let me express yung inis ko dzai. who the f*** she is to tell you kung ano ang dapat mong gawin sa buhay mo. kung ano ang dapat at hindi dapat i-flaunt? did she even pay for anything? bestfriend mo lang siya and wala siyang alam sa pinagdaanan mo. you deserve everything na nangyayari sa life mo. Yes! your hubby has a high paying job and so? ididiscredit ka sa success na meron kayong dalawa? kahit siguro hindi mataas salary ng asawa mo at lumabas kayo or may binigay sayo na gift or may dinner date kukuha ka parin ng remembrance. JUST CUT HER OFF. wag siyang magsabi sabi dyan na concern siya. baka ma umbag ko siya. anong concern sa pinag sasabi niya eh parang ibinababa ka nya imbes na itaas by discrediting u sa success na meron kayo ng asawa mo. and yes. "kayo" kasi ang marriage is a team work. umbagan ko siya eh. wag mo na pansinin yun dzai. basta tayo happy. just do what you do. ❤️❤️

Walang mali sayo Momsh.. kung anong meron si hubby part ka non, kung gaano kataas man marating ni hubby mo basta naka support ka sa kanya, part ka non.. wag mong isipin kung anong iniisip nila sayo, being a full time Mom sa anak nyo ay napakalaking part ng pagiging Misis mo.. as long as okay kayo ni hubby mo at alam nyo responsibility nyo sa isa't isa, pati sa anak nyo, napakalaking achievement na yon ng marriage nyo. Kung masaya kayong family, hnd nyo na problema kung ano nasasabi ng iba sayo.. basta yung KAYO lang ang intindihin mo😊 Ipag pray mo nalang sila Momsh, na sana maging masaya sila sa success ng iba at mabawasan yung negativity sa isip nila😊

Iba iba kasi thought process ng mga tao. Mahirap kasi na expect mo ung iba na intindihin ang point of view mo. It’s a reflection ng understanding nila yon. Don’t take it personally. Hinde din ibig sabihin na masama na cia or insecure for thinking that way. Yun lang din talaga kasi siguro paniniwala nia at kaya icomprehend ng utak nia. As long as wala ka naman tinatapakan na iba o sinasaktan na ibang tao. Hayaan mo nalang ibang tao isipin kung ano kaya ng understanding nila. Mas kilala mo naman asawa mo. So his opinion is all that matters. If hinde naman big deal sa asawa mo stay at home mom ka. Eh dapat hinde din big deal sayo.

TapFluencer

you are a lucky woman, 😊 you are blessed.. hindi mo kailangan ng toxic na bestfriend.. madalang lang makahanap ng tunay na kaibigan, and i think hindi sya yun.. magfocus kanalang sa family mo sis, wag mo ng intindihin ang bestfriend mo, parang mas ikaw payung may pinag aralan kesa sa kanya, 🤦‍♀️ minsan talaga wala yan sa pinag aralan.. nasa puso at sa magandang pag uugali, sa pagiging mabuting tao, at yun ang panatalihin mo sis, dahil daig mo pa ang may pinag aralan basta manatili kalang kung sino at ano ka.. wag kalimutan lagi na Mag Pray😊 Good luck and God bless❤

all i can say is that she's not a true friend, you should stop calling her your bestfriend. iba talaga nagagawa ng inggit 😅 kahit di ka man nakapagtapos, nagsumikap ka magwork, hindi ka tumambay lang. parang napaka-sad life naman ng ex-bestie mo para maliitan ang pagkatao mo. you found your true love and kung ano man meron ka ngaun, you deserve that. blessings yan for you. 'wag ka na lang paapekto sa mga inggitero at inggitera. focus on your family, take care of your child, continue supporting your husband 💕 mapapa-sana all na lang kami hehehe

TapFluencer

If she is really your bestfriend, try to address the issue to her directly. Kasi sa pagkakaalam ko, responsibility naman talaga ng Father/Husband mag provide ng needs ng family niya and yung Mother/Wife naman is the one who's taking care of the house and your kids. And diba pag kinasal naman, kung ano ung kanya, sayo na din. Sa tingin ko mommy, if ako nasa position mo baka i cut off ko nalang siya ng tuluyan. I don't need negativities in life. At tsaka mommy, kung walang problema si Hubby mo sa ganyang set-up, kiber kana hahaha

TapFluencer

she is not really a bestfriend afterall. masakit man pero huwag mo na hayaan silang manghimasok sa buhay pamilya mo kung stress lang ib2gay nila sayo. Isipin mo po lagi na ang achievement ng asawa mo ay achievement mo rin. Iisa kayo ni mister mo kaya dapat lang na pareho nyong pagsaluhan ang hirap man o sarap sa buhay. Mag-focus ka na lang po sa family mo mommy and save yourself from their bitterness.

VIP Member

hello mumsh,first of all wala po sya dapat pakialam sa posting mo.kung tunay na friend mo po sya,dapat masaya sya sa nraranasan mo ngaun.conjugal ang lahat sa inyo ni hubby nyo since legit at kasal kayong dlawa.better stay away from your "bestfriend".ndi sya masaya for you at toxic syang tao.

then she wasn't really your friend, you are just being proud of your husband and walang masama dun bitter lang sya sayo at d natin maiiwasan na me ganun talagang tao i suggest na ignore her nlang or drop her nalang kasi she's not worth to be called as your bestie

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles