Team July! 39weeks and 2days.

Sharing my birth story EDD: July 10,2020 DOB: July 05,2020 Hi finally nakaraos din at exact 39 weeks and 2days. July 3 check up ko sa OB but still close cervix pa din ako, pagka IE nya saken close but soft na cervix ko. So niresetahan nya ko eveprim rose 1000mg 3pcs.capsule isalpak sa pwerta every 8 hours for 2 days. Start ako 3pm ng july 3 maglagay sa pwerta 3pcs. Then nasundan ng 11pm ng gabi 3pcs. Ulet. Bago ako maglagay ng eveprim ng gabi nag akyat panaog muna ako, mga 10x sa hagdan from 1st to 3rd floor. Then ill do some deep squats and exercise na napanood ko sa youtube how to induce labor naturally. After that nilagay ko na ung eveprim sa pwerta ko 3pcs. Actually nagpatulong pa ko sa hubby ko kse need daw sa pinakadulo maisalpak ung capsule. Then hindi na ko tumayo nag sleep na ko. I woke up 6am para sana sundan ng 3 capsule ulet mga 7am. Pero after ko mg breakfast tinamad na ko maglagay nakatulog na ulet ako, nagising ako 12pm ng July 4, muni muni, nagpray at kinausap si baby na gusto ko ng makaraos. 12:30pm pagbangon ko may nagleleak na water sa pwerta ko hindi sya wiwi kse hindi ko nman napipigilan, pagcheck ko mejo light brown ung color, i texted my OB then sabi nga observed ko pag nasundan go the ER na. After 30mins. Nasundan na nman ng leakage this time mas marami sya nabasa ung shorts ko. Kaya go na kame sa hospital pagdating ko duon, 4cm na ko pero okay pa nman water bag ko kase matubig ako. So nothing to worry. Active labor na ko kaya i was admitted na din. Then naging 5cm, 7cm, 10cm ng 3am ng july 5. Wala ako nramdaman na pain until nag reach ng 10cm nung sinabi saken ng resident doctor ng OB ko na i was 10cm fully dilated at pinaiire nya ko dun lang ako umire ng bongga kaya lang walang hilab masyado ung pain na ineexpect ko na sobrang sakit mag labor kaya wala akong urge na umire ng bongga. Pero from monitor moderate to strong na ang contractions ko baka mataas lang daw pain tolerance ko, nag pray talaga ako at kinausap ko si baby na wag ako pahirapan. So meron sila ininject sa swero ko para deredretso na ang hilab ng tiyan ko dun ko nramdaman ung pain na need ko na magpupu umikot hanggang balakang pero tolerable pa saken. Kaya umire na ko, 3am ko masasabi start ng active labor ko. Pero ung pain ko sa pwerta un ang greatest fear ko, kaya nung naramdaman ko ung ulo ni baby sa pwerta ko malapit na nagpa epdiural na ko kase nanghihina na din ako kaka ire. 😅 at exact 5:21am if July 5,2020 my baby is out na. Grabe sobrang worth it lahat ung ire ko, 2 hours active labor ko then finally nakita ko na ang baby boy ko. Hindi ko na naramdaman ang tahi ko 2nd degree pala. Nung nag tear off ang anesthesia dun ko lang nramdaman ung pain. Mas masakit pa sa labor at pag-ire ung pain nang tahi ko. 😓😅 July 6 umuwi na kame ni baby discharge agad pra less exposure sa hospital. By the way nagpa private ako kase gusto ko talaga magpa painless un ang request ko sa OB ko. Worth it naman ang private kase monitored ka nila at ung baby mo na cord coil pala si baby kaya pala natagalan sya lumabas kse nahihila sya paloob buti na lang talaga mabait si LORD hindi nya hinayaan na may mangyari sa anak ko, walang impossible sa DIYOS basta tawagin at manampalataya ka lang sa kanya. 7.6 pounds si baby and Normal Delivery. Thanks be to GOD. ☝️kaya nga mommies always pray bend nyo lahat sa LORD ang mga fear and anxiety nyo magtiwala kayo sa kanya di nya kayo pababayaan. At palagi makipag usap kay baby it will help. ❤ Goodluck and GODBLESS to all pregnant women. 🤰❤☝️

Team July! 39weeks and 2days.
49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wow! Congrats momsh and welcome to the outside world baby.. Ask ko lang,nasa magkano nagastos mo including epidural?

5y ago

70k din po mumshie, private room. with philhealth na po yun.

Congrats po. 38weeks 2days na din ako gusto ko na din manganak. Magkano bill mo sa hospital mommy

Hello baby! And congratulations mommy! May God continue to bless you both. 💖

VIP Member

Congrats mommy!Super brave, goodluck nlng sa amin next month ftm 😊

San po tinuturok ang epidural? Balak ko din po kasi magpapainless ☺️

5y ago

Masakit po ba?

VIP Member

Congrats momsh! Pogi ni baby mukhang foreigner yung mukha ❤️

Congrats po mommy and to your little one baby.😇😇

VIP Member

Congrats mommy, same kami ng birthdate ni baby mo 😍

Congrats mommy 🤗 sana makaraos na din ako hehe

What a great storyy mamshh!! Congratulations!!