Just sharing.... rmp

Just sharing bakit kaya ganoon ang mga lalake nagagalit sa baby pag umiiyak nasasaktan lang kasi ako everytime na sinasabihan niya ang baby ko na ayaw niya kay baby, ibigay nalang daw sa iba minsan napapaisip talaga ako na hindi pa siya prepared na maging isang ama. Dumadating din sa point na kinikwenta na niya ang mga gawain na dapat daw pagdating sa bahay hindi na siya nag tatrabaho since siya daw ang naghahanap ng pera kung nakakaya ko naman sinsigurado ko na hindi na siya mag tratrabaho pag dating sa bahay pero minsan talaga may matatambak na trabaho kapag iyak ng iyak si baby.No choice kasi kami pag gising si baby hindi ako makagalaq kaya siya ang gumagawa ng gawaing bahay paguwi niya.Hindi lang talaga nila alam ang hirap ng magalaga ng baby. Full time mom po ako i resigned due to my pregnancy last december. If i only given a chance im willing to work kaso mahirap pa iiwan si baby he's only 5 months pa and nasa pandemic pa tayo ngayon.Iba talaga ang isang ina mahal na mahal ko ang baby ko ang dami ng pinagdaanan ang anak ko may butas siya sa heart when he is born luckily he survived with gods help kaya ayaw kong nakikita siyang umiyak at nasasaktan dahil nasasaktan din ako

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi po lahat ng lalaki ganon. Ako bilang FTM, may mga time nauubos ang pasensya ko, pero husband ko nagpapaalala sakin ng "baby yan." "Baby natin yan." Tapos pinapasa ko sakaniya okay lang naman siya. Oo may mga time din na nawawalan din siya ng pasensya lalo na kapag mag da-diaper ang likot na kasi ng baby namin, pero hindi niya naisip na ipamigay. Sa tingin ko dapat ask mo husband mo about sa feelings niya. Kung ano nararamdaman niya ngayon na may baby na kayo? To better understand him. Baka na overwhelm din siya sa responsibility?

Magbasa pa
VIP Member

do what is right na lang muna po, kausapin mo muna po ung asawa mo about sa ganung issue nyo para at least alam nya na may mali, pero pag dedma nya pa din, focus nalang po kayo kay baby kasi naman ma stress ka mahirap baguhin ang isang tao, kung ayaw nya sa baby niyo marerealize nya din yan basta idaan sa mabuting usapan

Magbasa pa
VIP Member

nasa adjustment stage pa lang siguro si hubby di pa sanay na tatlo na kayo baka naman pagtagal tagal maging okay na din. kausapin mo na lang din po at ipaintindi na pag baby pa sobrang clingy talaga at lagi hanap ay Ina kaya gawain bahay di mo matapos

wag mo nalang isipin yan mommy baka pagod lang di mister tsaka ang mga lalaki Di talaga nag shoshow ng affection Mahal nya si baby ofcourse pero pagod lang siguro at bago palang Kasi kaya ganun in time makikita mo mag babago din sya