Mother inlaw ko na mukang P hahaha

Just to share lang Po I'm 7 months pregnant and Ngayon palang naiinis na Ako s magiging set up soon pag nakapanganak nako at nakabalik na Ng work dahil alam Kong MIL ko Ang mag aalaga sa baby ko, Hindi pa man Ako buntis kami na Ng Asawa Ako ung nagtitake s lahat Ng bills at responsibility Dito s kanila since Dito Ako nakatira , andun Po na ok lang sakin na mag share kami Kase Ngayong buntis napo Ako hirap na hirap kami magtabi diko alam if ganito din ba set up sa Inyo like Sagad na pagiging abusado lahat Ng myembro Ng pamilya nila Mula Puno Hanggang bunga. Ung Asawa ko 3rd sa youngest. Ung panganay nila almost 1yr Ng walang work at naka Asawa lang s akung Anong Meron Dito sa bahay, take note kapisan din nmin Asawa at 3 anak Ng kuya Nia. Ung pangalawa sa panganay 29 yrs old na Hanggang Ngayon Wala paring naitutulong o naiaambag sa responsibilidad take note may anak na din un at nagpaka single mom dahil kaya nman daw buhayin Ng pamilya Nia ung anak Nia 🙄. then yung Asawa ko na binasbasan ata ni lord Ng pagka ubod Ng responsible at ubod Ng bait which is very thankful nman Ako kaso naaabuso nalang palagi. Yung bunso nman lahat na ata Ng katamaran sa katawan sinalo take note kababaeng taoand 20 yrs old nadin. Mga di nag iisip paano makakatulong samin Ng Asawa ko. Gustong gusto ko iShare s Asawa ko na try nmin magbukod kaso sinasarili ko nalang muna dahil naaawa Ako sa pamilya nman Nia kaso iniisip ko parang Wala kaming asenso kung napapaligiran kami Ng mga tamad na tao. Ung parents din Kase Ng Asawa Ako may ugaling konsintidor s mga anak Niang nasa Bahay nalang, di Rin marunong kumastigo o magpangaral Ng mga anak na magsipag trabaho nman. Para akong nakakulong sa ganitong isipin. Lalo na ung MIL ko kada sahod Ng Asawa ko e naka sahod palad pero ung hinihinging pera di nman nagpupunta sa Bahay o kapakinabangan Ng lahat . Haaaist . Napaka hirap na sitwasyon.

5 Replies

nku mi, kahit anong bait ni mister pag ganyan ang family red flag na tlga.. d nmn obligasyon ng asawa mo na buhayin pamilya nya na nasa hustong gulang na.. di bali cguro kung mga bata pa yan doon kayo maawa, mas lalo nyong tnuturuan maging tamad at palaasa cla . Ngyong magkka baby na kayo mas priority nyo na dapat anak nyo. Paano nyo mpaghahandaan future ng anak nyo kung ganyan set up nyo? hnd madaling magka anak, expect mo na mga gastusin once na lumabas yan, gatas, vitamins, gamot pag nagkkasakit.. paano na lang yan kung wala kayong ipon kc nppunta lahat sa pamilya ng asawa mo? kung tlgang mabait asawa mo, mas pipiliin nya kayo ng anak mo. yun lang po ang sa akin.;)

Napakahirap po talaga ng sitwasyon nyo. May problema kayi, kaya kailangan mai-address at mabigyan ng solusyon. Kausapin nyo po si hubby nyo, maaaring sya mismo ay naistress na rin po sa sitwasyon. Mag-usap po kayo at baka may maisip kayong paraan o plano. Hindi po healthy na sarilinin nyo lng yan. Kausapin nyo po so hubby nang mahinahon, at sana maintindihan nya kayo...

Bilang mag asawa mommy dapat po napag uusapan nyo po yan ng mahinahon. Masama po sa inyo ang ma-stress at sa baby.. Maiintindihan naman sguro kayo ni hubby

bat di kayo bumukod? mi toxic palagid nyo jan . di maganda para kay baby at sa mental health mo. bukod nalang kayo .

same Mii😭 nakakalungkot lang isipin Lalo kung family Ang usapan, wala kang peace of mind kapag ganyan

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles