Depression

Share lang mga mommy.. FTM ako at cs delivery yung baby ko 1month 6days na. Simula pag ka panganak nya until now sobrang iyakin, pinatingnan ko na din sya sa dalawang pedia at wala silang makitang problema. Araw gabi grabe syang umiyak nakakabaliw na, ginawa ko naman lahat chinecheck ko din kung may dumi sya o puno na diaper ng ihi, kung nilalamig ba sya o naiinitan I'll always make sure din na hindi sya gutom pero bakit ganun ayaw nya pa rin tumigil sa pag iyak mula umaga hanggang gabi karga ko sya iiyak sya lalo pag binababa ko. Napapagod na rin ako at alam ko hindi dapat pero yun yung nararamdaman ng katawan ko 😭 masakit na katawan ko kahehele at kabubuhat sa kanya wala na rin ako boses sa pagkanta para lang kumanta sya. Hindi ko na alam gagawin ko feeling ko hindi na kakayanin ng utak ko baka mabaliw ako 😭😭😭 napaka dali sabihin na tyaga lang ganyan talaga mga baby pero hindi e kakaiba parang di na normal pero normal naman ayon kay pedia. Sumisigaw na yung utak ko na hindi ko na kaya gusto ko ng sumuko pero hindi ko pwedeng gawin yun kase kawawa naman baby ko 😭 #firsttimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby

31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nako mommy. Iyakin ang baby mo. Ako kasi kalmado lang pero pray na lang siguro kay lord na ndi na sya maging iyakin para ndi sobrang hirap sa part mo. Sana mabawasan pagiging iyakin ng baby mo mommy. πŸ™πŸ™πŸ™

try po lagyan ng clean and no crack egg sa mejas kahit normal egg at i-hang sa taas ng hinihigaan nya. it absorb CO2 para mas mahimbing daw po tulog ni Baby. nabasa ko lang din po ito. hope makatulonv

TapFluencer

Ganyan din po ako noong una na nahihirapan lalo na CS din. First time mom din at halos mag-isa lang din sa pag-aalaga. Samahan lang po ng dasal din talaga.

TapFluencer

hi miii try nio po magpatugtog ng white noise. meron po nun sa youtube, white noise for babies, para ma kalma sila. mejo effective po sa baby namin :)

ganyan din baby ko. colic baby ata tawag. correct mi if im wrong.. grabi yung struggle namin kahit 3 na kami nag switch2 mag bantay grabii..

TapFluencer

yung position po mi pag bumili ka ng baby carrier yung position nya sa loob po ng tyan mo hindi yung ganyan sa pic po ha. hehe.

at ito na baby ko di siya mataba pero siksik naman po katawan niya then mahaba siya pwera usog😊

Post reply image
2y ago

We don't need to compare, iba iba ang mga babies. Please keep that in your mind. 😌

Ntry nyo po ba sya iswaddle? Nkakatulong din yun minsan lalo sa pgtulog nila.

Mi colic po siguro yan. Pag non stop yung iyak at umaabot ng ilang oras

2y ago

Yung baby ko mi medyo iyakin din. Kaya lagi ko din karga. Lalo pag sa gabi tapos magigising iiyak minsan napapaiyak na lang din ako sa asawa ko. Kapit lang mi magbabago din po yan habang lumalaki. Sa ngayon kung kailangan kargahin go lang magbabago din yan mi. Kaya natin yan mi

mii baka kinakabag o maingay ang paligid