Biglang taba during pregnancy

Share lang ako mamsh regarding sa kondisyon ko now. Ako lang ba o kayo rin mga mamsh ang nakaka-experience ng lungkot. Yung tipong okay ka naman pero feeling mo nag iisa ka, ngayon ko lang naexperience to at parang soon bibigay nako di kona kayang pigilan hindi umiyak. Diko alam dahil ba to sa naririnig ko na "tumaba kana" "ang taba mo" "pumangit kana" "baboy kana" hindi ba nila alam ang feeling ng isang buntis. Sabihin ng sensitive ako pero nakakasakit na kasi ngayon ina-isolate ko sarili ko from other people para wala nalang akong marinig na ganun. Nakakasad lang.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

depende sa mga taong nakapaligid sau. may mga taong nakaka offend magsalita, hindi iniisip bago sabihin kung nasa tama. may mga preference sila, akala nila ay perfect na sila. may mga buntis na lumaki ang size pero never nakarinig ng offensive na remarks. it is best na umiwas sa mga toxic na tao. it is best to surround yourself with positive-minded people or mga taong may respeto sa kapwa. always pray for your mental health.

Magbasa pa
2y ago

Thank you mamsh, oo mamsh kaya ngayon di talaga ako naglalabas labas para diko nalang sila makita. Di porke sumasali ako nun sa pagent ay dina magbabago physical appearance ko lalo na ngayong jontis ako, ini-embrace ko nga imperfections ng pagiging buntis tapos ganyan naman mga sasabihin nila. Baby boy ang baby ko kaya yung iba naiintindihan naman yung sitwasyon ko pero may iilan talagang di makaintindi.

May mga tao talagang shempre sensitive sa naririnig. May mga kagaya ko rin naman na kahit anong sabihin saken wala akong pake. Hindi agad ako naaapektuhan sa mga ganyang tao or komento. May mangilan ngilan din nagsasabi saken na tumaba na ako pero wala pa naman ako naringgan na may nagsabing pumangit ako. Magkaiba kasi yung tumaba sa pumangit mii. Ang masama niyan kung pinagsasama nilang sabihin sayo. Wag kanalang paapekto.

Magbasa pa
2y ago

hayaan mo silang mamatay sa inggit,ang importante healthy mo ilalabas si baby. Hanggat wala sinasabi si OB na magdiet ka,wag mo gugutumin sarili mo,si baby kawawa kapag ganon.