Feeling walang karapatan

Share ko lang, Ang hirap pala pag wala kang work at first time mom ka ng 1 year old and currently 8 months pregnant. Ang hirap ng ganitong pakiramdam na ililimit mo lang yung sarili mo lalo na sanay akong nabibili ang gusto ko nung nagtatrabaho pa ako. Ang hirap mag demand sa partner ko kasi siya nag pprovide ng lahat lahat, bills at needs ng babies namin, minsan feeling ko pabigat ako kasi hindi ako makapag share sakanya financially. Dati akong breadwinner sa family namin kaya sanay din ako na ako yung nag bibigay kaysa sa nanghihingi, alam ko na kasi yung feeling na ikaw yung hingian ng bayan (family), kaya ayaw ko rin na maramdaman niya yung ganon. Gusto ko na mag trabaho para naman kahit papaano makatulong ako sakanya, pero gusto ko din na lagi lang ako nasa tabi ng anak ko. Sana eventually maging okay ako sa ganitong set up and sana Maintindihan niyo kung saan ako nang gagaling haha pasensya na.

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply