85 Replies

Wala nman pong masama momsh sa mga pamahiin kc nakagawian na,.pero tingin ko po d rin maganda na masyado tayong nagpapadala, minsan kc nakakapraning at nakakastress din, importante momsh nagpapa check up ka and walang risk sa inyo ni baby, plus a lot of prayers for a safe and healthy pregnancy, kami po nagstart na agad bumili ng mga gamit ni baby after ng 1st trimester, ok din kc momsh na mamili na pakonti konti para hnd masyadong mabigat ang gastos kung isahang bili, tsaka atleast wala ka na masyadong iisipin pagdating mo ng 8-9mos, focus ka na lng sa baby and sa panganganak mo. Pray lng momsh.❤

Im not against pamahiin pero d ako naniniwala prang wla naman connection. Mama ko din advise nya as early na malaman n ang gender ni baby or pag tungtung nga 5 months start na ko mag prepare ng gamit ng baby para hindi kami magahul oras at isa pa sa budget hindi naman kasi kmi mayaman na pwde ko magbitiw agad ng 20k isang bilihan. Mahal ng syroller an crib mahal din ang bottles and baby dress. Kaya as early as possible khit paisa isa start ba magcollect ng gamit ng baby.

Hindi naman totoo Yun , kami nga ng MIL ko 4-5 months palang ata tiyan ko nun kumpleto na mga damit simula long sleeve hanggang sa pajama na puti nabili na . Pagtungtong NG 6 months diaper wipes Cotton buds ETC. kinopleto na ng mother inLaw ko .. 7 going to 8 months Yung bag nagagamitin namin ni Baby prepare na Yung laman , Mula sa gagamitin ko . Pray Lang sis 🙏 ngayon mag 7 years old na panganay ko at spoiled talaga sa Lola 😂

d Po totoo. nag start Po Yun sa wag ipag sasabi nang maaga na buntis Ang babae.. mahina pa Kasi kapit ng baby sa unang 3 buwan, nakahihiya Kasi nuon na pinag Sabi mong buntis ka tpos d matutuloy. so naging pamahiin n siya.. malalaglag daw pag pinag Sabi. gnun din sa pag bili ng gamit Ng maaga. malalaglag pag bumili k Ng maaga. in reality not connected Po.. ayaw lng nuon na masabihan ng Kung ano ano, kaya iniiwasan nila malaman ng ibang Tao n buntis babae pag d pa nakakalagpas ng 1st trimester.

aq po mga 4months plang bumili nq ng isang bundle Ng baby dress sale kc sa shoppe pg dting dq muna nilabahan hinayaan qlang muna dq dn muna binuksan nung 6months n tiyan q nlamn qnadn gender n baby ska nq bumili ng mga gamit kinabukasan nilabahan qna agd lhat ksma ung nbili qng una sa shoppe. paunti unti n completo qna lht bgo mg 8months tiyan q next month n due date q. excited n kinakabahan aq😊 kht png 2nd baby qna 4yrs and 11months dn bgo nasundan baby girl nmin.

I believe kung naniniwala ka sa Diyos, hindi mo kailangan paapekto sa mga pamahiin. Nakakastress lang yang madaming kailangang paniwalaan na bawal ung ganito bawal ung ganyan, lalo na kung wala namang logical explanation. Naniniwala ako sa Nagkataon. Nagkataon lang na nung namili na ng gamit ung tita mo tsaka siya nakunan. Pero hindi mo pwedeng ireason na kaya siya nakunan ay dahil namili na siya ng gamit ng maaga.

Medyo nakakainis na nga po yan, dami nagsasabi saken wag muna bumili ng gamit, kesyo ganto, ganyan, sa 7mos nalang daw, nakakarinde. 5mos preggy na po ako. Hindi ko nalang sinabi sakanila nag uunti unti na kami ng gamit para hindi mahirapan sa gastos, and, pandemic pa, baka kasi mamaya bigla mag GCQ, e lalong hindi tayo makapasok sa mall. Walang masama siguro maniwala sa pamahiin pero para kasing nag aattract pa ng negative vibes para mag isip ng mag isip.

Wala naman masama kung maniwala ka momsh sa pamahiin pero up to you yan kung bibili ka na ba or hindi. In my case kasi inunti unti ko :) I started buying stuff nung 3 months ako. Iba pa ren kasi kapag ready ka. Nakakapressure at stress din kapag malapit na big day mo tapos marami ka pang kulang na baby stuff. Mas nakakapanatag kasi ng loob kapag kumpleto ka na tapos nakakawala ren ng stress kapag nakikita mo na stuff ni baby. Naeexcite ka sa pagdating nya :)

kung kaya mo naman po momsh itabi yung pambili mo ng gamit hanggang sa pwede na kayo bumili, eh why not diba, ako po kasi pagdating 20weeks plang binigay na ng pinsan ko mga damit ng baby niya, 26weeks nag order ako complete set ng damit sa shoppee, 30weeks bumili na ko complete set ng higaan niya, nag unti unti po ako lalo na pag may hawak ako pera, mhirap po kasi kung magagastos tapos magcramming mamili o mamroblema pagmlapit na lumabas.

VIP Member

Ako po 6mos n, nalamn n din gender baby. Mas mhirp n po kumilos kpg malaki n tyan po.. Kya unti unti din ako nabili sa online.. Due ko po sep, target ko makumpleto gmit baby july po pra relax n ko ng august. Tagulan n din po un ayaw ko n lumbas. Kasama din consideration ung panahon aside kung ilng mos k n.. Nasa sayo un mommy basta lagi k lng mgpray ok kyo ni baby po..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles