Untrusted OB-Gyne (Na proxy?)

Share ko lang yung na-experienced ko nito lang check-up ko mga momshies. Kasi wala pala yung mismong in charge na OB-Gyne ko kaya yung proxy niya na OB ang nag interview sakin. Kompleto naman requirements ko kaya madali lang ang usapan namin at very good naman kami ni baby. Kaso lang nung nag resetahan na doon ako nag taka. Hindi sa mga gamot kundi sakaniya. Hindi niya kasi binasa ng maigi yung lab results ko kumbaga binarabara niya lang. Tapos ang concern ko kasi is WBC ko 6-8 lagpas sa normal na 0-3 tapos RBC ko 3-5 lagpas ng isa sa normal ulit which is 0-2. Ang Glucose ko 3.05 which is ang normal reference is 3.89-5.83 Then sabi ko "Doc, wala ba kayong irereseta na antibiotic sakin?" Sabi niya madadaan pa daw yun sa tubig and veggies kasi nag bibigay lang sila ng antibiotic sa 10 pataas ang wbc which is high level nga sa uti (kumbaga) so, deadma nalang ako. Kaso lang napa-isip ako doon sa isa pa niyang sinabi nung tingnan niya ang results ng ultrasound ko. Sabi niya "Tama lang ang timbang ni baby sa g.a mo pero kailangan mopa siya palakihin ng konti" Doon nag pantig.tenga ko sakaniya. Ngayon lang ako nakarinig sa isang ob na.dapat palakihin si baby e wasto naman siya sa gestational.age ko. Tapos ang reseta niya sakin.ay CALCIDAY at CALOMA PLUS kung tutuusin.parehas lang silang food supplements at hindi ko gusto yung calciday kasi mostly ng food supplements na reseta sakin 1hr before breakfast ko iniinom.ang nangyare nung uminom ako sa ganung time din nung calciday up until now na hapon na mag gagabi na gutom na gutom parin ako. Which is hindi.normal for me na natry kona ang ibang food supplement tapos natatakot pako mag take ng Caloma Plus mamayang gabi kasi another food supplement nanaman nga. At ang mas kinaiinisan ko sa tanang.check up ko ngayon lang ako hindi niresetahan ng ferrous sulfate which is sa pag kakaalam ko never ka dapat mag stop nun.up.until manganak kana. Buti nalang kahit walang reseta puwede yun bilhin. Tho, nag sabi nako ng hinaing ko sa totoong in charge na OB ko but still di parin ako mapanatag. Sana sa susunod na check up ko ayoko na siya makita. Papatayin na niya ko halos sa gutom sa epekto sakin nung Calciday.

1 Replies

VIP Member

Hi momsh. Next check up mo kung di ka panatag sa kanya you have the right to demand na gusto mo yung OB mo talaga and not to proceed with the check up. Sa part na palakihin pa si baby, yung OB ko sinabihan din ako ng ganun kahit na ok naman weight ni baby. Siguro mas concern talaga sila sa baby kesa sa mommy hehe. In any ways naman kasi maliit man or malaki si baby mailalabas naman natin sila eh. Kung di ka rin comfortable sa mga nirereseta nya momsh try mo magpa 2nd opinion.. Maganda na yung panatag at sure ka. Sa next check up mo momsh kung sakali sya nanaman yun nandun wag ka na lang tumuloy kung di ka comfortable. Importante na comfortable tayo sa OB natin at tiwala 😊

Mommy sabi nung legit kona ob "Don't stop daw" jusme gulong-gulo na ako. Natatakot din naman ako sa reseta ko ngayon na caloma plus at calciday kasi parehas lang naman food supplement. Kung parehaa ko tong i-stop wala nakong gamot na.iinumin. huhuhu kasi pangit epekto nung calciday grabe makagutom. Feeling ko desidido talaga siya palakihin anak ko eh, normal lang naman kami. Kakainis at stress tuloy 😭

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles