Sana makainspire..

Hi. Share ko lang yung life story ko. Wala kasi magawa kaya tamang dutdot ng cp. Anyways, 8 years ago 18years old po ako. Nagkagusto ako sa may asawa pero that time naman malabo na sila pero nakatira pa rin sila sa iisang bubong. Aware naman ako na may family sya pero love ko talaga eh.Ayokong makasira ng pamilyan pero mahal namin ang isa't isa. He told me naman na kaya sila nagsama kasi nabuntis nya dala ng kapusukan at bata pa sya nun at dahil sa curiosity kaya nabuntis nya yung girl. So we've decided na magtanan. Nakarating kami sa bundok as in bundok dun ko naranasan yung hirap ng wala ka makain. Yung tipo na hati kami sa ulam na isang itlog. Yung kailangan mo magnakaw ng saging at kamote para may makain. Ganun ang buhay namin. Til one day may tumawag sa hubby ko na may sakit yung lola nya. Nagkasakit sa kakaisip sa kanya. Di naman nya matiis kasi yun ang nagpalaki sa kanya. So umuwi kami sya sa kanila ako sa amin. That time buntis na pala ako. Kasabay ng pag-uwi nya bumalik yung una nyang kinakasama tumira uli sila sa iisang bubong. Nagdecide ako magwork at sya nagtrabaho din same place lang work namin lagi kaming nagkikita. Sinusugod pa ako nung girl sa work ko. Hanggang sya din yung nanawa. Humiwalay na sya ng tuluyan. Kami naman yung nagsama. Dala na rin ng hirap ng buhay ng walang sumusuportang magulang nagpatuloy ako sa trabaho. Buntis ako, walang check up walang vitamins ang bigat pa ang trabaho. 6mos yung tyan ko nalaglag yung baby ko. Halos gumuho yung mundo ko.Umuulan pa nung mga panahong yun. Namatay yung anak ko na hindi ko man lang nakita. Itinakas pa sa ospital kasi wala kaming pambayad ng bill. Walang magpasakay sa mag-ama kasi alam na patay yung hawak nya.Yung kabaong hiningi pa sa kandidato.Walang natirang alaala ang anak ko kundi yung mga resibo ng biniling gamot nya at diaper. Wala kaming malapitan kasi galit ang pamilya namin samin. Lumapit ka susumbatan ka pa. Pero tinanggap namin yun lahat.Inisip ko na lang na baka yun na ang karma k0. But later on unti unti na kami natanggap ng madla. Tumira kami sa barong barong. As in tagpi tagping plywood at yero. Nagbuntis uli ako. Pero nung dumaan si bagyong Glenda nawashout yung bahay namin. As in wala bagsak yung bahay eh malapit na ako manganak. Back to zero bangon na lang uli. Nagsumikap kami kayo kalabaw buti nagkaayos na kami ng pamilya namin. Hindi man kami tinulungan financially atleast alam naming may dadamay. Unti unti kaming bumangon. Natuto sa bawat pagkakamali. And now, magkasama pa rin kami matatag . May sariling bahay na hindi masisira ng bagyo. Nakapagpundar ng tricycle at motor. May maliit na tindahan. Kaya na naming bilhin lahat ng gusto namin. Magiging dalawa na yung anak namin. Ngayon nag-iipon kami para finally makapagpakasal na kami. Just be positive. Lahat ng pagsubok ay malulutas.Ito ang magpapatatag satin. God is good all the time ika nga. Wag mawalan ng pag-asa. Kung kayo ang destiny kayo talaga.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa umpisa puro pagsubok kayo kasi hnd okay ang simula. Para bang naging kabit ka pero bute naayos niyo na. Un nga lang kawawa pdn ung naulila nya na magina..

5y ago

May asawa na din po yung girl tsaka close po ang mga bata