mahina magpump ang lungs

Share ko lang yung experience ko kahapon.yung baby ko 2 months old nilagnat lang syang bigla nung sabado 38.2 pinainum ko ng tempra pinunasan coold fever hindi parin nawawala tapos sunday 39.3 na sya malamig yung kamay at paa nya nagkaroon na rin ng patsi-patsi yung braso at binti ( yung balat pag nilalamig ang baby).akala ko nilalamig lang kasi mataas yung lagnat hanggang nag violet yung talampakan nya iyak sya ng iyak nagdecide kaming dalhin na sa doctor . Pag dating namin dun sinabi agad na ayaw magpump ng maayos yung lungs ni baby ko nakakaiyak ganun na pala kasersyoso yung lagay ng anak ko injection agad ng gamot sa may balakang nya G6PDD ang anak ko bawal ng antibiotic pero yun yung kailangan nya para sa lungs nya yun kaya ng go kami ng pedia nya.ang hirap pa hanapin ng gamot nya hindi lahat ng mercury meron sa ngayon nakauwi na kami dec. 23 balik namin sana ok na sya nun para hindi na ulit mag iinject sa balakang nya.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Pag po ganyan pa kababy pag po nilagnat dapat po tlga pacheck up na kaagad. Ang hirap po pag my sakit si baby. Sana po makarecover agad sya.