MONEYYYY..
Share ko lang sama ng loob ko 😢 nagbigay kasi si mister ng 10k sa akin noong Nov. 27 tapos nagasto namin sa xmas, check up, bayad sa philhealth at sss mga pamasahe ko nasa nasa 6k lahat nabawas. yung 4k mahigit yun ung binudget ko hanggang dec. 30 naubos di umabot ng 31.. Sobrang disappointed sya sa kin napakagastador ko daw. 😢😢😢#advicepls
siya pag budgetin mo sa susunod. bigay mo sa knya listahan ng lahat Ng needs niyo.. tpos pag d Niya na meet, make him taste the dose of his own medicine. 😈😈 o alam mo n yan.. ganti ganti din pag may time.. wag papasindak. o kaya bilangan mo sa harap Niya.. " o Ayan 500 yan ah. " ganun tpos kada kibot kwenta sa pag mumukha Niya Kung Ilan n lng natitira. . pati gamot. para alam Niya Kung mag Kano mag pamilya.. 🤣🤣 mukhang wlang ka alam alam eh. gigil Niya ko much.. pag may angal.. kuha ka manila paper idikit mo sa pinto tapos dun ka mag lista gamit pentel. para Kita san dinala pera Niya.. 🤣 akala Niya cguro Ang laki ng 10k. Ang Hirap n nga I budget ng 20k sa isang buwan Lalo n pag Mahal gatas ng anak mo.. 10k pa kaya. naku naku..
Magbasa paBakit kamo sya madidisappoint eh hindi mo naman ginastos kung saan saan na pinang bili ng kung anu ano yung pera. Ilista mo yung mga binayaran mo saka mo bigay sakanya. Magalit sya kung pinangshopping mo yung pera. kaloka. O kaya pag bigay nya ng pera maglista ka sa harap nya para alam nya kung kukulang ba o sosobra yung bigay nya, dalwa kayo magbudget. Kami ni hubby dalawa kami nagbabudget, pero nung buntis ako sya nagbabudget at ayaw ko mastress so alam nya kung gano kamahal mga bilihin at mga bayarin
Magbasa paako nman po, nililista ko lahat ng expenses.. though bihira ko lang gawin, pero may time na nililista ko dahil feel ko lang na baka mag wonder sya ang bilis agad naubos ang pera, so bago pa sya ma curious pinapakita ko na yong listahan ng mga napag gastusan at kung ilan na lang natira. at least aware dn sya kahit papano na hndi nman napunta sa wala yong pera na para bang bigla na lang naglaho na parang bula. sa amin kasi ako talaga taga hawak ng pera at taga budget.
Magbasa paNung di pako buntis minsan na dn ako naquestion ng asawa ko bat daw ang bilis naubos ng budget.what i did nilista ko lahat ng gastos (excel file dito s phone) ultimo halagang piso. Hanggang sa pandemic at nabuntis ako bnbgay nya paden ng buo sahod nya but halos sya dn nagmanage for bills, bili ng lahat ng needs namin hndi ako lumalabas. Ayun narealized nya "mahal bilihin" haha. Hirap kaya magbudget.
Magbasa paAko momsh nililista ko lahat ng expenses ultimo 1 peso na candy 😅Pati date at time nga nakalagay din haha nakakainis kasi yung hinahanapan ka ng pera na para bang ginastos sa walang katuturan yun. Kaya much better yun para once na hanapan ka nya san napunta may ipapakita ka. Akala kasi nila napakadaling magbudget di nila alam sobra-sobrang pagtitipid na ginagawa natin 😁
Magbasa paButi nga ikaw nabibigyan ng 10k. ako ni sahod ng asawa ko di ako makatikim. hihingi akong 100 tatanungin pa kung aanhin ko or anong bibilin ko. Nag bonus ng 2500, 500 lang napunta sakin. pero nung nanghingi ung nanay nya pangdagdag sa handa nung pasko antimano nakapag abot ng 1k. ps: Kinekwenta nya pa san daw napunta 500 na binigay nya sakin🙄🙄.
Magbasa pa10k, isang buwan!!!! masasabi ko lang po sayu mommy, ang galing mung humawak ng budget.. napagkasya mu yung for 33days and to think of it na dumaan pa ang pasko na handaan! sabihin mu sa mister hawakan niya ang pera.. siya ang magbudget ng malaman niya ang gastador na sinasabi niya!!!
si lip ko sis ngpapadala every month Ng 10 k allowance nmin kulang pa nga Kung tutuusin Hindi nman aq ngrereklamo ky lip na kulang png ksya ko nlang kc sya din nman nahihiya aq kc never nya questions Kung nasaan napunta mga pera para ky lo nman lahat
Buti nga naabot mo pa ng 1 month ang 10k. For me kulang yan for 1 month. Depende na lang siguro sa pag budget. Explain mo lang sa hubby mo bakit naubos. Mas ok kung bigyan mo siya ng lista ng nagastos mo para di ka na nya kwestyunin.
un mr. ko po naranasan nya na magbudget dahil sa lockdown sya mamimili sa grocery at palengke..pati pagbabayad ng bills.. ayun minsan nasabi nya sakin " kulang pala binibigay ko sayo" heheh..