Share ko lang po yung partner ko na sa halip na palakasin o pagaanin yung loob ko eh lalo lang akong inaasar. Pasensya na po wala kasi ako ibang mapagsabihan nito kundi dito lang sa app π
So dba normal lang sating mga buntis yung sobra tayong naiinitan? Sobra talaga akong pawisin kahit nung hindi pa ako buntis kaya ang ginagawa ko ngayon tatlong beses sa isang araw ako naliligo tapos etong partner ko inaasar ako lagi na amoy akong pawis nakakainis lang na kahit effort na effort akong maligo para hindi na ako mangamoy pawis eh sya pa tong siksik ng siksik yakap ng yakap amoy ng amoy tapos magrereklamo na amoy pawis ako.
Isa pa dyan yung ang big deal sa kanya ng appearance ko kasi wag ko daw padedehin sakin si baby kasi lalawlaw daw yung dede ko malalaspag. Pati mga bilbil ko na kapag daw lumabas na si baby eh mas lalaki daw yung bilbil ko.
Nakakapanglumo lang na ako nga mismo nadodown na sa hitsura ko ngayong buntis yung tipong may stretchmarks, tumataba, init na init tapos di pa nya pagaanin loob ko knowing na sya pa gustong gusto magkaanak na kami ππ