How to win over my husband?

Share ko lang po at pahingi ng advice. I have trust issues kasi ilang beses ko na nahuli ang asawa ko na nagloloko at nambabae sa pareho (nag-iisang) babae na pinagseselosan ko. Kahit noon pa mang magkasintahan pa lamang kami. Ngayon po, naging paranoid na ko na nagtetext pa din siya dun sa babae at nagchachat. Palagi na akong nagdududa sa kanya. Sa tingin ko nasasaktan ko na din siya sa pagiging paranoid ko. Pero di naman ako masisisi. Kasi ilang beses na niya talaga ginawang lokohin ako. Almost 3 weeks ago palang, inaway ko siya kasi nahuli ko na nagtetext nga yung babae sa kanya. Dinelete ko yung number ni girl. Though I know there's a big possibility na memorized naman niya yung number nun. Nagalit siya sakin start nun. Hindi na nga siya nagloload. Hindi na din ako chinachat kapag nasa opis siya kahit free naman ang messenger. Nasasaktan ako kasi yung number nung babae ang dinelete ko pero ako yung hindi nakakareceive ng text o kahit chat. Iniisip ko baka nga masyado naman akong praning at nasaktan siya ng todo sa ginawa kong pag invade ng privacy niya. Ilang beses na din kasi niyang sinabi sakin na friends na lang naman sila ni girl. Sa isip ko kasi, that can never happen na magkaibigan lang ang isang babae at isang lalaki lalo na kung noon pa man may motibo at malisya na. Ang problema ko ngayon. Silent treatment siya sakin. Not totally silent, kinakausap naman ako pag tungkol sa baby namin. But he's gone cold na kahit lagi akong tinatanong pagkauwi niya ng bahay galing opis kung kumain na ba ko? Ang pakiramdam ko para lang di ko masabi na wala na lang ako sa kanya. Pano po ba ayusin ito? I want to win him over again. Gusto kong maging maayos kami para sa baby namin. Ano ba ang paraan para maging sweet ulit sakin ang asawa ko?

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hay nako nakakagigil tlaga ung mga ganyang klase ng lalaki... everytime na mambabae ang asawa ko lagi ko sya nahuhuli ๐Ÿคจ pero matagal naman ang pagitan bago sya gumawa ulit ng kasalanan like kapag buntis ako. Hindi ko pinapakita na weak ako instead mamili sya mambabae nalang sya kung bored sya or mawalan ng family .. isipin mo lagi na kaya mo.momsh wag mong ipakita na mahina ka kasi the more na nakikita ng husband mo na mahina ka gagawin at gagawin nya yan sayo . Sa asawa ko last chance na ung binigay ko sa kanya kahit na 2nd time ko palang naman sya nahuli pero di ako papayag na uulitin nanaman nya un lumayas sya! Stay strong lang momsh Godbless sainyo ni baby mo.

Magbasa pa