Meron po ba dito nag post sa social media na buntis na sila as early as 6 weeks? 1st Time mom.
Share ko lang po mommy. 4 months palang po kami kasal ng mister ko at nalaman ko pong buntis ako nong January 20. Gustong Gusto ko po sana e post sa FB na buntis na ako kaso pinigilan ako ng mga tyahin ko na magpost , wag daw muna. Di ko po ma gets bakit bawal. Di ko lang po mapigilan ang tuwa at excitement.

post if you want po.. paniniwala po kais yan ng matatanda, yung baka raw maurong ang pagbubuntis meaning may mangyaring di okay, mawala bigla ganun. if di po kayo naniniwala run, then go for it, magpost ka lang po, kanya kanya naman po yan ng preference kasi. lalo na kung ikaw yung tao na updated sa fb/ig at okay lang po na magpost ng magpost :) sa akin nung nagbuntis ako (ulit) di ko muna pinost mismo sa wall ko, hinintay ko muna yung may ultrasound, at kung may heartbeat at maging okay o for me stable lahat, kung magpopost man ako laging sa myday lang pero bihirang bihira 😅nadala na kasi ako sa 1st baby ko nun pt kit palang post na agad tapos every ganap, post agad... walang privacy lalo na nung biglaang nagstop ako magpost, nalaman ng mga friends ko, namatayan ako ng baby (stillbirth bago ako manganak) ngayon mas ok na sakin na kami kami na lang ng family ko magcelebrate and ang ipopost ko nasa wall ko yung lumabas na talaga baby ko (soon kasi kabuwanan ko na) basta sis, choice mo yun pwedeng i-customize mo na lang yung makakakita ng post mo kung ayaw mong makita ng mga tita mo 😁 enjoy your journey and Godbless.
Magbasa paPost whenever you feel you want to share it with everyone na. May iba po kasi ngsasabi na better to announce it after 1st trimester as we know na this is the most crucial stage pa tlga. Pero later on realized na the decision is still up to us. May napanood ako sa tiktok na nagparealize din skin. She said, she wanted to announce it early na rin tlga ksi shmpre hndi ntn maiiwasan ang excitement, but she was told not to ksi nga dahil sa paniniwala so tinago muna nila. And then she had a miscarriage a week after at sising sisi siya ksi pakirmdam daw niya na itinago niya ang anak niya and yung baby niya mismo gusto siya ma acknowledge ng ibang tao. So my point is, nsa atin po ang decision kasi at the end of the day choice ntn yan to share it or not yet. Mangyayari ang dapat mangyari and God knows ano ang nkaplano stin. After seeing the heartbeat of my baby as early as 6w2d, we announced it na rin, and we are so grateful sa love and care na binibigay smin ng family and friends namin, and mas ingat na ingat sila for us. Have a safe pregnancy po! ☺️
Magbasa pathank you po mi. god bless sa inyo ni baby ❤️
Ako 1st pregnancy ko naipost ko agad pregnancy test kit daming likes at natuwa pero blighted ovum tapos un 2nd pregnancy naiannounce ko nung nagkaheartbeat na pero after magkaheartbeat nagstopped na pala pregnancy ko sa sobrang dala ko 8 weeks pregnant ako at hanggang ngayon di namin pinopost at iniannounce hayaan ko na lang makita ng tao malaki tyan ko..Siguro nadala na din sa experiences ko..Magingat na lang at magpray lagi para sa inyo ni baby..Pero nasa sayo un kung saan ka masaya di naman lahat nakakaranas ng miscarriage..
Magbasa pasorry to hear that from you mommy. keep safe po sa inyo ni baby. God bless po
i announce my pregnancy at 5 months a week before my gender reveal. ayoko din ng maraming nag tatanong at nag chachat.. i also want to make them wonder.. 🤭 the main reason is marami pa pweding mangyari at 6 weeks.. sa 1st tri kasi prone pa sa miscarriage and diff kinds of pregnancy complications.. you can announce it at 2nd tri. enjoy your pregnany in your self muna stay low key.. but its up to you if you can't help it na.. ☺️
Magbasa pangayon naintindihan ko na po ibig sabihin ng tyahin ko. thanks po mommy . God bless sa inyo ni baby
ako nung nagpatvs ultrasound ako ng 7weeks and nakita na good cardiac activity naman si baby pinost ko na. Ayaw ko man pero di ko mapigilan kasi super happy ako to share it to my fb besides closest friends and family lang naman namin ng hubby ko friends ko sa fb.
same. 7 weeks din nung nlman kong preggy ako pinost ko na din agad s sobrang saya ko dahil ang tagal ko rin hinintay magkababy
ganyan dn sinabi ng mga kamag anak ko wag daw ipopost baka daw mawala . d ako nakinig kc ung 2nd pregnancy ko namatay kc dku pinaalam nalaman nalang ng mga friends ko nakunan na pala ako . ngaun 7 weeks palang nong nagpatrans v ako pinost ko sa fb ko . ok naman lahat
Ako na 5 weeks and 1 day pinost kona po. Kasi 7 years din ako nag antay nito. Sa sobrang tuwa at excitement na post ko... Iniisip ko nalang na kahit anong mangyare plano ni papa God yun... Kasi kung para sayo para sayo. 😊
Ayos lang si baby sis. Ikaw sis ilang weeks na tummy mo
yes nasa saiyo iyan momsh if you feel you want to post it, kanya kanya nman po reasons kya ung iba hndi muna ina aanounce sa karamihan, ung iba sa mga malalapit munang friends and family. its up to you po momsh. 😊🤗
ako 6weeks nung nag pt delayed kaya napa pt . ayoko pa sana ipost kaso syempre shinare ko sa fam and sa mama ko . ayun nauna pa si mama nagpost 😂😅pinost ko na din hahaha . 11w1d po ako ❤️
Hi mommy 6 weeks pregnant ako nung i-announce kong pregnant ako nung nakita ko na sa Ultrasound na may heartbeat na si baby .