Irregular mens with PCOS. #Miraclebaby❤️
Share ko lang po mga mommies. May pcos ako almost 10years both ovaries 4years na po kami nagsasama ng boyfriend ko kahit nagdidiet at bumaba timbang ko di parin kami nagkakababy, last year ang mens ko lang july 6-10 and Oct 30 to nov 3 , 2024 lang bali twice lang ako ng mens sa loob ng 1year. Nag PT ako puro negative, february 28 2025 nagpa x-ray ako pinag PT muna ako then negative parin. Starting march laging masakit puson balakang ko at nipples ,hindi naman ako nagisip na baka buntis ako usually ganun naman ang nararamdaman ko pag magkakamens na ako then March 28 to April 1,2025 nagka regla na ako at after nun lagi ng masakit ulo ko akala ko dahil lang sa puyat pagod at gutom dahil GY shift ako. April 5 may konting mens pa akala ko pahabol lang ,April 6 morning pag uwi ko galing work masakit parin ang ulo ko at nakaiglip ako tapos bigla akong nagising na sobrang sakit ng puson at tiyan ko hanggang sa sumuka na ako at sumasakit parin ulo ko hindi na ako nakapasok sa work dahil hindi ko na kinakaya yung sakit ng ulo ko. April 7 may konting mens parin at masakit parin ang ulo ko kaya naisipan ko na magpacheck up bago ako pumunta sa clinic nag PT muna ako at sobrang gulat ko kasi nag positive at never kong enexpect yun kasi halos mawalan na ako ng pagasang mabuntis pa ako dahil sa pcos ko. Twice ako nag PT para sure same positive result. Dun ko nga na confirm na buntis ako 8weeks and 3days na sya sa tummy ko kahit mismong nag TVS sakin nagtaka na pano ko daw nasabi na buntis agad ako e last mens ko march 28 kahit ako di ko alam isasagot ko di parin ako makapaniwala na buntis na ako ng 2months. Nung nalaman ko na buntis na ako di na ako pumasok sa work dahil sobrang hirap at nakakapagod ng work ko at may UTI pa ako may threatened abortion , mas pinili kong magpahina nalang sa bahay kasi ayokong mawala ang baby na matagal ko na namin hinihiling namin.❤️ Sobrang thankful namin na kahit sobrang stress ,puyat ,pagod ,madalas umiyak at araw araw pa akong nagmomotor papuntang work nandito parin sya sa tummy ko 😊 20weeks na sya ngayon at sana magtuloy tuloy at healthy si baby 😊. #sharing #firsttimemom