MARRIAGE....

Hi, share ko lang po etong pain na nafefeel ko ngayon, gawa ng walang mapag share-an. Una po sa lahat, I'm currently pregnant to my 2nd baby, 28weeks to be exact. And hindi pa kami kasal ng LIP ko. Kung ako lang sana ang tatanungin, gustong gusto ko ng magpakasal, not only because gusto ko lang but also guato ko din maging legitimate mga anak ko, and syempre mahal ko siya at siya na yung gusto ko makasama hababg buhay. Although ang dami na niyang pinaranas sakin ba klase ng sakit sa love, halos lahat na, mapa physically, mentally, emotionally, pero siya parin ang gusto ko makasama. Hindi dahil sa siya ang ama ng mga anak ko, kundi dahil mahal ko talaga. Ewan ko ba, martyr at paggiging tanga man po kung maitatawag pero ganun po siguro talaga pag nagmamahal. Anayways, the real issue is, gusto na din kaming ipakasal ng parents niya, inoffer samin ng dad niya na may palibreng kasal dito samin na baka maganap ng june, then ako naexcite naman agad, sinabi ko sakanya, ang unang sagot niya is "ayaw ko ng kasal na sa barangay lang, dapat simbahan na" in short, gusto niya bongga agad, ang sabi ko naman bakit pa kami maghihintay at magiipon para sa bonggabg kasal kung anjan na ang libre? pwede namang sa next time balang ang bongga diba? then, umagree din naman siya "magpakasal na talaga tayo?" sabi niya sakin, oo naman agad ang sagot ko. So after non, nag paplan na kami magtingin tingin ng singsing, ilang pair kukunin na na ninong at ninang, then neto lang, nung schedule na namin para kunin yung cenomars namin, dami na niyang dahilan, kesyo wala pa daw pambili ng rings, wala daw pampakain sa magiging ninong at ninang. Kumbaga parang nagbago yung isip bigla, wala akong nagawa, iniyak ko nalang, naging emosyonal lang siguro ako dahil buntis ako pero sa totoo lang, masakit din po. Kasi expected ko na gustong gusto na rin niya, wala akong ibang nasabi sakanya kundi, "kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan". After non, di ko po siya kinikibo, kumbaga pinaparamdam ko na nasaktan ako, na nagtatampo ako. Pero parang binabalewala lang niya. Siguro hindi niya talaga gustong pakasalan ako, hindi lang po niya maiderektang sabihin sakin. Yun lang po, salamat sa mga makakapag iwan ng advices nila, maaappreciate ko po❤️❤️❤️

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako dati sa bf ko gusto niya anak muna bago kasal sabi ko ayoko dahil kahit patay na tatay ko gusto ko sundin habilin nya sa akin kasal muna bago baby. Nagsuggest din maglive in kami, ayoko pa din. Magpakasal muna tayo sabi ko. Take it or leave it. Ayaw niya pa, edi hinayaan ko tutal bata pa naman ako noon at marami pang gusto gawin hanggang one day napagusapan ulit namin ayun nagkasundo kami na magpakasal na @ the age of 28. Walang pilitan, desisyon namin parehas. Hindi porket mahal ko siya ehh sunod na lang ako ng sunod sa kanya. May mga set rules at criteria din ako na hindi ko hahayaan na idisrespect niya. Kasi if di niya kaya irespeto yun ibig sabihin hindi niya ako mahal. You can choose your husband but your kids can't choose their father. Choosing a good dad for your future kids is your responsibility and its not one that you should take lightly. Sa amin mag-asawa matutuhan ng mga magiging anak namin paano ba dapat mahalin at paano ba dapat magmahal.

Magbasa pa