MARRIAGE....

Hi, share ko lang po etong pain na nafefeel ko ngayon, gawa ng walang mapag share-an. Una po sa lahat, I'm currently pregnant to my 2nd baby, 28weeks to be exact. And hindi pa kami kasal ng LIP ko. Kung ako lang sana ang tatanungin, gustong gusto ko ng magpakasal, not only because gusto ko lang but also guato ko din maging legitimate mga anak ko, and syempre mahal ko siya at siya na yung gusto ko makasama hababg buhay. Although ang dami na niyang pinaranas sakin ba klase ng sakit sa love, halos lahat na, mapa physically, mentally, emotionally, pero siya parin ang gusto ko makasama. Hindi dahil sa siya ang ama ng mga anak ko, kundi dahil mahal ko talaga. Ewan ko ba, martyr at paggiging tanga man po kung maitatawag pero ganun po siguro talaga pag nagmamahal. Anayways, the real issue is, gusto na din kaming ipakasal ng parents niya, inoffer samin ng dad niya na may palibreng kasal dito samin na baka maganap ng june, then ako naexcite naman agad, sinabi ko sakanya, ang unang sagot niya is "ayaw ko ng kasal na sa barangay lang, dapat simbahan na" in short, gusto niya bongga agad, ang sabi ko naman bakit pa kami maghihintay at magiipon para sa bonggabg kasal kung anjan na ang libre? pwede namang sa next time balang ang bongga diba? then, umagree din naman siya "magpakasal na talaga tayo?" sabi niya sakin, oo naman agad ang sagot ko. So after non, nag paplan na kami magtingin tingin ng singsing, ilang pair kukunin na na ninong at ninang, then neto lang, nung schedule na namin para kunin yung cenomars namin, dami na niyang dahilan, kesyo wala pa daw pambili ng rings, wala daw pampakain sa magiging ninong at ninang. Kumbaga parang nagbago yung isip bigla, wala akong nagawa, iniyak ko nalang, naging emosyonal lang siguro ako dahil buntis ako pero sa totoo lang, masakit din po. Kasi expected ko na gustong gusto na rin niya, wala akong ibang nasabi sakanya kundi, "kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan". After non, di ko po siya kinikibo, kumbaga pinaparamdam ko na nasaktan ako, na nagtatampo ako. Pero parang binabalewala lang niya. Siguro hindi niya talaga gustong pakasalan ako, hindi lang po niya maiderektang sabihin sakin. Yun lang po, salamat sa mga makakapag iwan ng advices nila, maaappreciate ko po❤️❤️❤️

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

It's either hindi pa siya ready (financially, emotionally etc) or ayaw lang talaga niya mg commit sayo (hindi siya 100% into you) since magiging legal na kayo. Mahirap yan momsh, wag mo pgpilitan kasi you deserve more than that. Pero kung ok nman kayo pinaparamdam nmn niya na mahal ka niya at walang iba & ginagawa nman lahat ng responsibilidad niya as a father sa anak mo eh hanggang dun nlang muna kasi the more na pinagpipilitan mo the more na aayaw siya kung gusto nman talaga eh gagawa nman ng paraan si partner, mg-aaway lang kayo kung lage mo iinsist kahit alam mo naman ayaw pa niya. There's always a right time for everything

Magbasa pa