Share ko lang po dahil wala akong masabihan. Single mom with 2 kids now pregnat at 15weeks married pero separted na for 7 years meron nadin kinakasama yung tatay ng 2 anak ko at buntis nadin yung girl halos magkasabayan kami. Short story lang about sa ex ko. Sobrang panloloko dati ng ex ko kaya kami naghiwalay at mas pinili nyang sumama sa babae nya pero after 7 years naghiwalay sila and bago na girl nya ngayon which is nabuntis nga. Madame akong napag daanan pagsubok at kinaya ko palakihin yung 2 kong anak tinaguyod ko at madameng mga tao na proud sakin kung pano ko nakakaya. Finally, answered prayer ngayon yung partner ko and after 2 years magkakababy na kami. 1st trimester lagi ako nag sspotting and last January 2 naconfine ako kasi nagbleed talaga ako pero God is good safe at makapit si baby tas ngayon palang ako nakakarecover. Sobrang sakit ng mga naririnig ko sa family ng Partner ko ngayon. Yung kuya nya pilit syang sinasabihan na ang tanga tanga daw naturingan may pinag aralan pumatol sa may anak at kasal. Sinasabihan syang kabit ng sarili nyang kapatid. At ang masakit pa grabe mag verbal abuse sakin dahil kesyo nadala daw sa partner ko sa romansa dahil kaya nga daw ako may 2 anak kasi magaling at pati 🥚 ng partner ko kaya kong kainin at nadala naman daw sya sa romansa ko at nainlove sa isang katulad ko. Sobrang nababastusan ako pero wala ako magawa. Hindi ko magawang kausapin dahil bever pa nila ako nameet at jinudge na nila ako. Wala akong hinangad na hindi maganda sa kapatid nila at binibigay ko lahat ni wala ng natitira sakin pero yung sabihan ako ng ganyan sobrang sakit. Masakit pa dun nirereto pa sya sa ibang babae na karapat dapat daw sa partner ko. Ngayon tuloy hindi ko mapayagan ang partner ko umuwe sa province nila kasi natatakot ako sa pwedeng gawin nila na baka hindi na nila payagan umuwe or i-set up kung kanikanino. Sabi ko baka pwedeng pag nanganak ako syaka na lang umuwe at ipakilala nadin ako. Sobrang bigat po ng nararamdaman ko, hindi ako makapagsalita kasi mahal ng partner ko family nya. Ano po ba dapat kong gawin?