Sharing my experience with my OB

Share ko lang po ang aking experience with my OB. This is my first time pregnancy. Hindi ko pa po lubos naunawaan na ang OB ko pala ay hindi sila iisa ng lying in kung saan ako nagpapacheck up sa kaniya. Pero siya ang nagbigay saakin ng mga request for the needed tests and tvs. Binigyan niya ako ng mobile number kung saan pwede ako mag inquire, I thought that it was general number para sa lying in. Hindi ko inakala na personal number pala niya iyon. Nag message ako 2x, first ay para itanong kung may OR iniissue ang lying in para sa lab test na need ko gawin, napapareimburse ko kase sa work ko sayang naman, second nag ask ako kung sakali my ibang clinic p siya na pwede irefer saakin since walang OR sa lying in na yon. But he called me and nag sisigaw na "text ka kase ng text nakukulitan na ako sayo eh, wala akong pakelam kung san mo gustong mag pa test basta maibigay mo saakin yan ng kumpleto, at kung gusto mo magtanong saakin gusto ko tumawag ka! Ayaw ko ng text dahil napapagod ang daliri ko kakapindot" Im trying to explain my side while saying sorry, pero binabaan nia na ako ng phone. Bilang first time ko ito at nasa 1st trimester palang ako, sobrang emosyon naramdaman ko iyak ako ng iyak for like 1hr. I think, kahit kasalanan ko ang maging makulit, hindi ko deserve itreat ng ganon. Bilang OB dpt sana alam nia na emotional ang pasyente nia sa ganitong stage. Bukas magkikita kami ulit dahil schedule ko na ipabasa ang tests ko sa kaniya. Hindi ko alam if paano ko siya haharapin.

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mag hanap na lang po kayo ng ibang OB,mahirap pag di ka komportable sa OB mo ako lumipat ng OB kasi medyo may attitude OB ko dati yung tipong pag mag papacheckup ako sakanya di ako excited na i stress ako kaya umalis ako.madami naman po OB dyan di lang sya.

mi if ako sayo lipat ka ng ob kung saan mas gagaan ang loob mo every check up. yung mas panatag ka na hindi kailangan mag worry, what if meron ka pa other questions since 1st pregnancy mo then ganunin ka ulit. ok lang lumipat mi.

3y ago

pwde nga kahit di kana magpapa ob. ok na yung una mong ob. pag ako NASA kalagayan na yan. sure ayaw Kona magpapa ob 😆 pero NASA iyo napo yun Kasi importante din Kasi yang ob .

You have the right to change OB. Yung comfortable ka. Like me, first time ko din. I think we need an OB na patient, professional and respectful because this journey requires strong emotional support. We need OB who we can trust.

Lipat ka iba OB.. ako nga before mabait pa yung OB ko, kaso di ako nasasatisfy every check up ko sa kanya.. kaya lumipat ako iba OB, yung i-treat ka pa kaya ng ganyan? Hmmmp, lipat na momsh..

3y ago

lahat naman ng OB nagrerequeat ng mga yest na same lang din. kaya di mo na kelangan na sya pa ang magbasa. gusto nyo ba ng natotorture kakakaisip kung susumgitan pa kayo o hindi. pwede namang sa iba.

d sya professional sis, kung una plang gnyan n sya d n sya worth it mging obi mo bka kng ano pa sumunod jan. iwas stress n dn, ikaw n umalis humanap kn ng ibang mabait na obi. madami nmn jan.

hanap na lang po kayo ng ibang OB. try to ask po sa mga kakilala niyo ung marerefer nila. mahirap n magppcheck up ka tpos stressed kpa sknya instead n alagaan po niya kayo ni bb.

please change your OB baka hindi doctor yan kasi hindi data ganyan ang treatment niya sayo. praying na makahanap ng OB na mabait, accommodating and caring. God bless!

Magbasa pa

@Christine Joy Galido kung ako po sainyo wag mo na sya harapin baka lalo ka lang ma stress maka apekto pa sa baby mo.pwede mo ipabasa sa ibang Ob yung result mo.

Don't let your OB treat you in that way. taga saan ka? you can go to Amisola Maternity Hospital in Tondo, Mla. ok Ang OB don at hospital. Doon ako nanganak.

Post reply image
TapFluencer

Lipat ka po OB mommy. Ang mga buntis dapat panatag sa pagbubunitis, hindi stressed. Dalhin niyo lang po mga labs niyo if ever meron na kayo. 🙂