Hello strong working moms !

Share ko lang na kakareturn ko lng sa work today after three months of maternity leave. Ganito pa la yong feeling na hindi mo makasama si baby kahit ilang hours lang. Sobrang na miss ko yong bata na halos kada oras napapaisip ka kong kumusta na kaya siya sa bahay, anong ginagawa ba at kung tama ba na iwanan siya para magtrabaho. Yung gusto mo ng umuwi para mayakap siya ulit. OA na ba masyado na parang maiiyak ka nalang kakaisip sa bata. Kaya saludo ako sa mga ina na kinayang magtrabaho, lalo na yung working moms both local and international na hindi magawang umuwi araw2x.. Sino ba dito ang ganito rin ang feeling na kailangan ring magsakripisyo para mabigyan ng mga pangangailangan ang anak? ?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same mommy ako nga po 3months na baby ko nagstart ako ng work para sa needs nya, kaso ngayon may work sasabihin na napapabayaan ko anak ko, pag wala aasa nalang ako. Sobrang hirap maging ina lalo na wala kang karamay kung pati asawa di maasahan, blessed lang ako sa byenan ko sobrang babaet.